8 “O sino sa inyo ang babaing may sampung piraso ng pilak°, na kapag mawala niya ang isang piraso ay hindi nagsisindi ng ilawan at nagwawalis sa bahay at maingat na naghahanap hanggang sa matagpuan niya ito?9 At kapag natagpuan niya ito ay tinatawag niya ang kaniyang mga kaibigan at mga kapitbahay, na sinasabi, ‘Makigalak kayo sa akin sapagkat natagpuan ko ang aking piraso ng pilak na nawala.’10 Sinasabi ko sa inyo, na sa gayong paraan ay nagkakaroon ng kagalakan sa harap ng mga anghel ng Diyos sa isang makasalanang nagsisisi.”