43 “Narinig ninyo na ito ay sinabi, ‘Iibigin mo ang iyong kapwa at kamumuhian mo ang iyong kaaway.’ Lev 19:1844 Ngunit sinasabi ko sa inyo na ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, sabihan ninyo ng mabuti sila na nag-aalimura sa inyo, gawan ninyo ng mabuti ang mga namumuhi sa inyo, manalangin kayo para sa kapakanan ng mga umaalipusta sa inyo at ng mga nagmamalupit sa inyo45 upang kayo ay maging mga anak ng inyong Ama na nasa langit sapagkat siya ang nagpapasikat ng kaniyang araw sa mga masama at sa mga mabuti, at nagpapaulan sa mga matuwid at sa mga hindi matuwid.46 Dahil kapag iibigin ninyo ang mga umiibig sa inyo, anong gantimpala ang nakakamtan ninyo? Hindi ba ganiyan din ang ginagawa ng mga maniningil ng buwis?47 At kapag ang inyong mga kapatid lamang ang inyong babatiin, ano ang ginagawa ninyong higit? Hindi ba ganiyan din ang ginagawa ng mga maniningil ng buwis?48 Kaya kayo ay magpakasakdal kung paanong ang inyong Ama na nasa langit ay sakdal.