23 Ano ang higit na madaling sabihin, ‘Pinatawad na ang iyong mga kasalanan,’ o ang sabihin, ‘Bumangon ka at lumakad ka’?24 Ngunit upang malaman ninyo na ang Anak ng Tao ay may kapamahalaan sa lupa na magpatawad ng mga kasalanan” (sinabi niya sa paralitiko), “Sinasabi ko sa iyo, Bumangon ka at buhatin mo ang iyong higaan at umuwi ka sa iyong bahay.”25 At kaagad siyang tumayo sa harapan nila at binuhat niya ang kaniyang hinihigaan at siya ay umuwi sa kaniyang bahay na niluluwalhati ang Diyos.