Tagalog
  •  Afrikaans
  •  Bahasa Indonesia
  •  Bahasa Melayu
  •  Česky
  •  Deutsch
  •  English
  •  Español
  •  Français
  •  Italiano
  •  Magyar
  •  Nederlands
  •  Polski
  •  Português
  •  Română
  •  Shqip
  •  Tiếng Việt
  •  Türkçe
  •  Ελληνικά
  •  Български
  •  русский
  •  Српски / Srpski
  •  Українська
  •  עברית
  •  العربية
  •  فارسی
  •  हिन्दी
  •  ไทย
  •  中文
  •  日本語
  •  粵語
  •  한국어
Valuutta PHP
  • BRL - Real ng Barzil
  • EUR - Euro
  • USD - Dolyar ng US
  • CAD - Dolyar ng Canada
  • MXN - Piso ng Mexico
  • RUB - Russian Ruble
  • RON - Romanian Leu
  • PLN - Polish Zloty
  • SGD - Dolyar ng Singapore
  • CHF - Swiss Franc
  • TRY - Turkish Lira
  • UAH - Ukrainian Hryvnia
  • GBP - British Pound
  • JPY - Japanese Yen
  • AUD - Dolyar ng Australya
  • BGN - Bulgarian Lev
  • CZK - Czech Republic Koruna
  • DKK - Danish Krone
  • HKD - Dolyar ng Hong Kong
  • IDR - Indonesian Rupiah
  • HUF - Hungarian Forint
  • KRW - Won ng Timog Korea
  • MYR - Malaysian Ringgit
  • VND - Vietnamese Dong
  • CNY - Chinese Yuan
  • ARS - Piso ng Argentina
  • ZAR - Rand ng Timog Africa
  • ALL - Albanian Lek
  • RSD - Serbian Dinar
  • ILS - Israeli New Sheqel
  • EGP - Egyptian Pound
  • SAR - Saudi Riyal
  • AED - United Arab Emirates Dirham
  • IRR - Iranian Rial
  • AFN - Afghan Afghani
  • IQD - Iraqi Dinar
  • INR - Indian Rupee
  • PKR - Pakistani Rupee
  • THB - Thai Baht
GoodSalt™
Etsi
Tili
Ostoskori
  • Tili
  • Valolaatikko
  • Sign In
  • Rekisteröidy
GoodSalt™
Ang pinuno ng mundo sa relihiyosong imahe.
Valuutta PHP
  • BRL - Real ng Barzil
  • EUR - Euro
  • USD - Dolyar ng US
  • CAD - Dolyar ng Canada
  • MXN - Piso ng Mexico
  • RUB - Russian Ruble
  • RON - Romanian Leu
  • PLN - Polish Zloty
  • SGD - Dolyar ng Singapore
  • CHF - Swiss Franc
  • TRY - Turkish Lira
  • UAH - Ukrainian Hryvnia
  • GBP - British Pound
  • JPY - Japanese Yen
  • AUD - Dolyar ng Australya
  • BGN - Bulgarian Lev
  • CZK - Czech Republic Koruna
  • DKK - Danish Krone
  • HKD - Dolyar ng Hong Kong
  • IDR - Indonesian Rupiah
  • HUF - Hungarian Forint
  • KRW - Won ng Timog Korea
  • MYR - Malaysian Ringgit
  • VND - Vietnamese Dong
  • CNY - Chinese Yuan
  • ARS - Piso ng Argentina
  • ZAR - Rand ng Timog Africa
  • ALL - Albanian Lek
  • RSD - Serbian Dinar
  • ILS - Israeli New Sheqel
  • EGP - Egyptian Pound
  • SAR - Saudi Riyal
  • AED - United Arab Emirates Dirham
  • IRR - Iranian Rial
  • AFN - Afghan Afghani
  • IQD - Iraqi Dinar
  • INR - Indian Rupee
  • PKR - Pakistani Rupee
  • THB - Thai Baht
  Tagalog
  •  Afrikaans
  •  Bahasa Indonesia
  •  Bahasa Melayu
  •  Česky
  •  Deutsch
  •  English
  •  Español
  •  Français
  •  Italiano
  •  Magyar
  •  Nederlands
  •  Polski
  •  Português
  •  Română
  •  Shqip
  •  Tiếng Việt
  •  Türkçe
  •  Ελληνικά
  •  Български
  •  русский
  •  Српски / Srpski
  •  Українська
  •  עברית
  •  العربية
  •  فارسی
  •  हिन्दी
  •  ไทย
  •  中文
  •  日本語
  •  粵語
  •  한국어
Etsi
Advanced Options ▼
Skip to the end of the images gallery
Luke kirjoitti
Skip to the beginning of the images gallery

Luke kirjoitti

Tuote
ID ID
prcas5903
Taiteilija
Providence Collection
Kuvan tiedot
More Information
Secondary KeywordsLucas   pagsulat   pahimakas   Roma   titik   Uusi uusi uusi  
Mga Banal na Kasulatan
Gawa 1   Lucas 1  

Acts 1

1 O Teofilo, totoong ang unang salaysay na isinulat ko ay patungkol sa lahat ng mga sinimulang isagawa at ituro ni Jesus, 2 hanggang sa araw na siya ay dinala paitaas, pagkatapos niyang ibinigay ang mga utos sa pamamagitan ng Banal na Espiritu sa mga apostol na kaniyang pinili. 3 Siya rin mismo ay buhay na nagpakita sa kanila, pagkatapos ng kaniyang paghihirap, sa pamamagitan ng maraming hindi magkakamaling katibayan. Siya ay nagpakita sa kanila sa loob ng apatnapung araw at nagsalita siya ng mga bagay patungkol sa paghahari ng Diyos. 4 Sa kaniyang pakikipagtipon sa kanila, sila ay inatasan niya upang huwag umalis sa Jerusalem, kundi hintayin ang pangako ng Ama, “na narinig ninyo sa akin 5 sapagkat si Juan ay totoong nagbawtismo sa tubig, ngunit kayo ay babawtismuhan sa Banal na Espiritu ilang araw mula ngayon.” 6 Nang sila nga ay nagtipun-tipon, sila ay nagtanong sa kaniya na sinasabi, “Panginoon, ipinapanumbalik mo ba ang paghahari sa Israel sa oras na ito?” 7 Sinabi niya sa kanila, “Hindi para sa inyo na malaman ang mga oras o ang mga panahon na inilagay ng Ama sa sarili niyang kapamahalaan. 8 Subalit tatanggap kayo ng kapangyarihan kapag dumating na sa inyo ang Banal na Espiritu at kayo ay magiging aking mga tagapagpatotoo sa Jerusalem, sa buong Judea, sa Samaria at sa pinakamalayong bahagi ng daigdig.” 9 At pagsabi niya ng mga bagay na ito, habang siya ay pinagmamasdan nila, siya ay dinala paitaas at ikinubli siya ng ulap mula sa kanilang paningin. 10 At habang sila ay nakatitig sa langit, sa kaniyang pagpaitaas, narito, dalawang lalaki na may puting kasuotan ang tumayo sa tabi nila. 11 At sila din ay nagsabi, “Mga lalaking taga-Galilea, bakit kayo nakatayong nakatitig sa langit? Itong si Jesus na dinala sa langit mula sa inyo ay babalik sa paraang katulad sa nakita ninyong pagpunta niya sa langit.” 12 Pagkatapos nito, sila ay bumalik sa Jerusalem mula sa bundok na tinatawag na Olibo. Ito ay malapit sa Jerusalem na isang lakbayin sa araw ng Sabat. 13 At nang sila ay nakapasok, sila ay umakyat sa itaas na silid kung saan nanunuluyan sila Pedro, Santiago, Juan, Andres, Felipe, Tomas, Bartolome, Mateo at Santiago na anak ni Alfeo, si Simon na Makabayan at si Judas na kapatid ni Santiago. 14 Silang lahat ay matiyagang nagpapatuloy na nagkakaisa sa pananalangin at sa paghiling kasama ang kababaihan at si Maria na ina ni Jesus, kasama rin ang mga lalaking kapatid ni Jesus. 15 At sa mga araw na iyon, tumindig si Pedro sa kalagitnaan ng mga alagad (ang bilang ng napakaraming tao sa dakong iyon ay halos isandaan at dalawampu), sinabi niya, 16 “Mga ginoo, mga kapatid, kinakailangang maganap ang mga Kasulatang ito yaong sinabi ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng bibig ni David patungkol kay Judas na naging gabay ng mga dumakip kay Jesus 17 sapagkat ibinilang siyang kasama natin at tinanggap ang bahagi ng paglilingkod na ito.” 18 (Kaya nga ang lalaking ito ay bumili ng lupain mula sa kabayaran ng kalikuan. At nang bumagsak siyang nauna ang ulo, bumuka ang kaniyang tiyan at sumambulat ang lahat ng kaniyang mga lamang-loob. 19 Ito ay nalaman ng lahat ng mga naninirahan sa Jerusalem, kaya ang itinawag sa lupaing iyon ay Akeldama sa kanilang sariling wika, na ang ibig sabihin ay Lupain ng Dugo.) 20 “Sapagkat ito ang nasusulat sa aklat ng mga Awit, ‘Hayaan ang kaniyang tirahan ay maging mapanglaw at huwag hayaang manirahan doon ang sinuman’ Awi 69:25 at ‘hayaang kunin ng iba ang kaniyang pamamahala.’ Awi 109:8 21 “Kaya sa mga lalaking nakasama natin sa lahat ng panahon nang ang Panginoong Jesus ay pumaroon at pumarito sa atin 22 mula sa simula ng bawtismo ni Juan, hanggang sa araw na si Jesus ay dinalang paitaas mula sa atin, isa sa mga ito ang kinakailangang maging kasama natin na tagapagpatotoo sa kaniyang muling pagkabuhay.” 23 Kaya iniharap nila ang dalawa, si Jose na tinatawag na Barsabas na ang palayaw ay Justo, at si Matias. 24 At sila ay nanalangin at nagsabi, “Panginoon, ikaw na nakakaalam ng mga puso ng lahat, ipakita mo sa amin mula sa dalawang ito ang iyong pinili 25 upang tanggapin ang bahaging paglilingkod na ito at ang pagkaapostol, na sinalangsang ni Judas upang pumunta siya sa dakong itinalaga sa kaniya.” 26 At ibinigay nila ang kanilang bahagi sa palabunutan at nahulog ang bahagi sa palabunutan kay Matias, at siya ay ibinilang sa labing-isang apostol.

Luke 1

1 Kagalang-galang na Teofilo, yamang marami ang nagsagawa upang isaayos ang salaysay patungkol sa mga bagay na lubos na pinaniwalaan sa atin 2 ayon sa pagbigay sa atin ng mga saksing nakakita at ng mga lingkod ng salita buhat sa simula, 3 minabuti ko rin na isulat sa iyo nang ganap ayon sa pagkasunud-sunod ang lahat ng mga bagay na maingat kong sinubaybayan mula pa nang una, 4 upang malaman mo ang katiyakan ng mga salitang itinuro sa iyo. 5 Sa mga araw ni Herodes na hari ng Judea ay may isang saserdote na ang pangalan ay Zacarias mula sa pangkat ni Abias. Ang kaniyang asawa ay isa sa mga babaing anak ni Aaron at ang kaniyang pangalan ay Elisabet. 6 Sila ay kapwa matuwid sa harapan ng Diyos na namumuhay nang walang kapintasan sa lahat ng mga utos at mga alituntunin ng Panginoon. 7 At sila ay walang anak sapagkat si Elisabet ay baog at kapwa lipas na ang kanilang mga taon. 8 At nangyari na habang ginagampanan ni Zacarias ang paglilingkod bilang saserdote sa harapan ng Diyos ayon sa pagkakahanay ng kaniyang pangkat, 9 at ayon sa kaugalian ng paglilingkod bilang saserdote, natanggap niya sa palabunutan ang pagsunog ng insenso nang siya ay pumasok sa banal na dako ng templo ng Panginoon. 10 At ang lahat ng napakaraming tao ay nananalangin sa labas sa oras ng pagsusunog ng insenso. 11 At isang anghel ng Panginoon ay nagpakita sa kaniya na nakatayo sa dakong kanan ng dambana ng insenso. 12 At si Zacarias ay naguluhan at natakot pagkakita niya sa anghel. 13 Ngunit sinabi ng anghel sa kaniya, “Huwag kang matakot, Zacarias, sapagkat ang iyong kahilingan ay dininig na. Ang iyong asawang si Elisabet ay magsisilang sa iyo ng isang lalaki at ang pangalang itatawag mo sa kaniya ay Juan. 14 At magkakaroon ka ng kagalakan at labis na kagalakan, at marami ang magagalak sa kaniyang kapanganakan, 15 sapagkat siya ay magiging dakila sa harapan ng Panginoon. Siya ay hinding-hindi iinom ng alak at ng nakakalasing na inumin. At siya ay mapupuspos ng Banal na Espiritu mula sa sinapupunan ng kaniyang ina, 16 at marami sa mga anak ni Israel ang kaniyang papanumbalikin sa Panginoon nilang Diyos. 17 Siya ay hahayo sa harapan ng Panginoon sa espiritu at kapangyarihan ni Elias ‘upang panumbalikin ang mga puso ng mga ama sa mga anak,’ at ang mga masuwayin patungo sa karunungan ng mga matuwid upang ihanda ang isang bayang nakahanda na sa Panginoon.” 18 Ngunit sinabi ni Zacarias sa anghel, “Paano ko ito malalaman? Sapagkat ako ay matanda na at lipas na ang mga taon ng aking asawa.” 19 Subalit sumagot ang anghel at sinabi sa kaniya, “Ako ay si Gabriel na siyang nakatayo sa harapan ng Diyos. Ako ay sinugo upang makipag-usap sa iyo at upang ipahayag sa iyo ang mabubuting balitang ito. 20 Kaya narito, ikaw ay magiging pipi at hindi ka makakapagsalita hanggang sa araw na magaganap ang mga bagay na ito sapagkat hindi ka sumampalataya sa aking mga salita na matutupad sa kanilang kapanahunan.” 21 At ang mga tao ay naghihintay kay Zacarias at sila ay namangha sa kaniyang pagtatagal sa loob ng banal na dako ng templo. 22 Ngunit nang siya ay lumabas, siya ay hindi makapagsalita sa kanila kaya nalaman nila na siya ay nakakita ng pangitain sa banal na dako ng templo. At siya ay nakipag-usap sa kanila sa pamamagitan ng senyas at siya ay nanatiling pipi. 23 At nangyari, nang naganap ang mga araw ng kaniyang paglilingkod, siya ay umuwi sa kaniyang bahay. 24 Ngunit pagkalipas ng mga araw na iyon, ang kaniyang asawang si Elisabet ay naglihi at siya ay nagtago nang limang buwan. Sinabi niya, 25 “Ganito ang ginawa ng Panginoon sa akin sa mga araw na ako ay kaniyang isinaalang-alang upang alisin ang aking kahihiyan sa mga tao.” 26 Sa ikaanim na buwan, ang anghel na si Gabriel ay isinugo ng Diyos, sa isang lungsod ng Galilea na ang pangalan ay Nazaret, 27 sa isang birhen na ipinagkasundong mapangasawa ng lalaki na ang pangalan ay Jose na mula sa angkan ni David. At ang pangalan ng birhen ay Maria. 28 Paglapit ng anghel sa kaniya ay sinabi nito, “Magalak ka, ikaw na pinagpala! Ang Panginoon ay sumasaiyo. Pinagpala ka sa mga kababaihan.” 29 Nang makita ni Maria ang anghel, siya ay naguluhan sa sinabi nito at pinagbulayan kung anong uri ng pagbati ito. 30 Sinabi ng anghel sa kaniya, “Maria, huwag kang matakot sapagkat nakasumpong ka ng biyaya mula sa Diyos. 31 Narito, ikaw ay maglilihi sa iyong sinapupunan at manganganak ng isang lalaki at ang pangalang itatawag mo sa kaniya ay Jesus. 32 Siya ay magiging dakila at siya ay tatawaging Anak ng Kataas-taasan at ibibigay ng Panginoong Diyos sa kaniya ang trono ng kaniyang amang si David. 33 Siya ay maghahari sa sambahayan ni Jacob magpakailanman at ang kaniyang paghahari ay hindi magwawakas.” 34 Ngunit sinabi ni Maria sa anghel, “Paano ito mangyayari yamang ako ay walang nakikilalang lalaki?” 35 Subalit ang anghel ay sumagot at sinabi sa kaniya, “Darating sa iyo ang Banal na Espiritu, at ang kapangyarihan ng Kataas-taasan ay lililim sa iyo, at dahil dito, ang Banal na ito na iyong ipapanganak ay tatawaging Anak ng Diyos. 36 Narito, si Elisabet na iyong pinsan ay naglihi rin ng isang anak na lalaki sa kaniyang katandaan at ikaanim na buwan na ito sa kaniya na tinawag na baog, 37 sapagkat walang hindi matutupad sa lahat ng sinabi ng Diyos.” 38 At sinabi ni Maria, “Narito, ang babaing alipin ng Panginoon! Mangyari nawa sa akin ang ayon sa iyong salita.” At siya ay iniwan ng anghel. 39 Sa mga araw na iyon, si Maria ay tumindig at nagmamadaling pumunta sa lupaing maburol sa lungsod ng Juda. 40 At siya ay pumasok sa bahay ni Zacarias at bumati kay Elisabet. 41 At nangyari, nang narinig ni Elisabet ang pagbati ni Maria, ang sanggol sa kaniyang sinapupunan ay lumundag. At si Elisabet ay napuspos ng Banal na Espiritu. 42 At siya ay sumigaw na may malakas na tinig at sinabi, “Pinagpala ka sa mga kababaihan at pinagpala ang bunga ng iyong sinapupunan! 43 Papaano nangyari ito sa akin na ang ina ng aking Panginoon ay makapunta sa akin? 44 Narito, nang ang iyong pagbati ay nakaabot sa aking pandinig, ang sanggol sa aking sinapupunan ay lumundag dahil sa labis na kagalakan. 45 Pinagpala ang babae na sumampalataya sapagkat magkakaroon ng kaganapan ang mga bagay na sinabi sa kaniya ng Panginoon.” 46 Sinabi ni Maria, “Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon 47 at ang aking espiritu ay lubos na nagalak sa Diyos na aking Tagapagligtas, 48 dahil nilingap niya ang kababaan ng kaniyang aliping babae. Narito! Sapagkat mula ngayon, ang lahat ng mga saling lahi ay ituturing akong pinagpala, 49 dahil ang Makapangyarihan ay gumawa ng mga dakilang bagay sa akin, at banal ang kaniyang pangalan. 50 Ang kaniyang kahabagan ay sa kanila na may takot sa kaniya mula sa salinlahi ng mga saling lahi. 51 Siya ay nagpakita ng lakas sa pamamagitan ng kaniyang bisig. Ikinalat niya ang mga mapagmataas sa pang-unawa ng kanilang mga puso. 52 Ibinaba niya ang mga makapangyarihan mula sa kanilang mga trono at itinaas niya ang mga mabababang-loob. 53 Ang mga nagugutom ay binusog niya ng mabubuting bagay at ang mga nagpapayaman ay pinaalis niyang walang dala. 54 Tinulungan niya si Israel na kaniyang lingkod upang maalala ang kaniyang kahabagan 55 kagaya ng sinabi niya sa ating mga ninuno, kay Abraham at sa kaniyang binhi magpakailanman.” 56 At si Maria ay nanatiling kasama ni Elisabet nang halos tatlong buwan at umuwi sa kaniyang bahay pagkatapos nito. 57 At dumating na ang panahon ng panganganak ni Elisabet at siya ay nagsilang ng isang anak na lalaki. 58 Narinig ng kaniyang mga kapitbahay at ng kaniyang mga kamag-anak na dinadagdagan ng Panginoon ang kaniyang kahabagan sa kaniya at sila ay nakigalak sa kaniya. 59 At nangyari na sa ikawalong araw, sila ay dumating upang tuliin ang bata. At siya ay tinawag nilang Zacarias alinsunod sa pangalan ng kaniyang ama. 60 Ngunit sumagot ang kaniyang ina at sinabi, “Hindi, sa halip, siya ay tatawaging Juan.” 61 Subalit sinabi nila sa kaniya, “Wala ni isa sa iyong mga kamag-anak ang tinawag sa pangalang ito.” 62 At sila ay sumenyas sa kaniyang ama kung ano ang ninanais niyang itawag sa sanggol. 63 At nang siya ay nakahingi ng mapagsusulatan, siya ay sumulat na sinasabi, “Juan ang kaniyang pangalan.” At silang lahat ay namangha. 64 At kaagad nabuksan ang kaniyang bibig at ang kaniyang dila ay nakalagan at siya ay nagsalita na nagpupuri sa Diyos. 65 At nagkaroon ng takot ang lahat ng mga naninirahan sa kanilang paligid. At ang lahat ng mga salitang ito ay pinag-usap-usapan sa buong maburol na lupain ng Judea. 66 Isinapuso ng lahat ng mga nakarinig ang mga bagay na ito na sinasabi, “Magiging ano kaya ang batang ito?” At ang kamay ng Panginoon ay sumakaniya. 67 Si Zacarias na kaniyang ama ay napuspos ng Banal na Espiritu at naghayag na sinasabi, 68 “Purihin ang Panginoon, ang Diyos ng Israel sapagkat dinalaw niya at tinubos ang kaniyang bayan, 69 at ibinangon ang isang sungay ng kaligtasan para sa atin sa sambahayan ni David na kaniyang lingkod 70 ayon sa kaniyang sinabi sa pamamagitan ng bibig ng kaniyang mga banal na propeta mula noong una. 71 Ito ay ang kaligtasan mula sa ating mga kaaway at mula sa kamay ng lahat ng mga namumuhi sa atin, 72 upang isagawa ang kahabagan sa ating mga ninuno at upang alalahanin ang kaniyang banal na tipan. 73 Ito ang pangako na kaniyang sinumpaan kay Abraham na ating ama, 74 upang ipagkaloob sa atin na mga iniligtas mula sa kamay ng ating mga kaaway, upang maglingkod sa kaniya nang walang takot, 75 sa kabanalan at sa katuwiran sa kaniyang harapan habang tayo ay nabubuhay. 76 At ikaw, maliit na bata, ay tatawaging propeta ng Kataas-taasan sapagkat hahayo ka sa harapan ng Panginoon upang ihanda ang kaniyang mga daan, 77 upang magbigay ng kaalaman ng kaligtasan sa kaniyang bayan sa pamamagitan ng kapatawaran ng kanilang mga kasalanan 78 sa pamamagitan ng mahabaging kalooban ng ating Diyos kung saan ang Sikat ng Liwanag mula sa kaitaasan ay dumalaw sa atin, 79 upang magliwanag sa mga nasa kadiliman at sa mga nakaupo sa lilim ng kamatayan, upang patnubayan ang ating mga paa sa landas ng kapayapaan.” 80 At ang maliit na bata ay lumaki at lumakas sa espiritu. At siya ay nanatili sa mga ilang hanggang sa araw ng kaniyang pagpapakita sa Israel.

Tiedoston enimmäiskoko
Lapad
3759
Taas
4000
₱242.01
Special Galleries
Good Soil Print Gallery
GoodSalt Gallery
Nature Photography Gallery
Steve Creitz Select
Seasonal
Harry Anderson Select

Tarjoamme merkittäviä volyymilisensointialennuksia.
Onko kysyttävää? Soita 800-805-8001 or +1 208-455-5659 ja pyydä tarjous. Työskentelemme budjettisi mukaan.

Post To Feed Pin It
Valolaatikko
Aiheeseen liittyvät kuvat
  1. Uusi taivas, uusi maa
  2. Salomo omistaa temppelin
  3. Aloita Nooan uusi maailma
  4. Ristiinnaulitseminen
  5. God's Redemption Plan for A New Earth
  6. Barnabas ja Paavali rohkaisevat uusia kristittyjä
  7. Uusi johtaja
  8. Peterin uusi mestari
  • Lisenssitiedot
  • Privacy
  • Ota yhteyttä
  • Artistit
1 800 805.8001
© 2026       Lahat ng mga larawan at media na naka-copyright ng GoodSalt, Inc. at/o mga nag-ambag nito. Lahat ng Karapatan ay Nakalaan.
  Tagalog
  •  Afrikaans
  •  Bahasa Indonesia
  •  Bahasa Melayu
  •  Česky
  •  Deutsch
  •  English
  •  Español
  •  Français
  •  Italiano
  •  Magyar
  •  Nederlands
  •  Polski
  •  Português
  •  Română
  •  Shqip
  •  Tiếng Việt
  •  Türkçe
  •  Ελληνικά
  •  Български
  •  русский
  •  Српски / Srpski
  •  Українська
  •  עברית
  •  العربية
  •  فارسی
  •  हिन्दी
  •  ไทย
  •  中文
  •  日本語
  •  粵語
  •  한국어