36 At pagkuha niya ng maliit na bata, pinatayo niya ito sa kalagitnaan nila at pagkayakap niya sa maliit na bata, sinabi niya sa kanila,37 “Kung ang sinuman ay tatanggap sa maliit na batang katulad nito sa aking pangalan ay tinatanggap ako, at kung ang sinuman ay tatanggap sa akin ay hindi ako ang tinatanggap kundi siya na nagsugo sa akin.”
Mark 9
42 “Ngunit ang sinumang makakapagpatisod ng isa sa maliliit na ito na sumasampalataya sa akin ay mabuti pa na ang gilingang-bato ay maibitin sa kaniyang leeg at siya ay maitapon na sa dagat.