Lwjas0277
| Avainsanat | tara trigo |
|---|---|
| Secondary Keywords | kalikasan mga damo mga halaman |
| Mga Banal na Kasulatan | 31:40 Jeremiah 12:13 Matthew 13:24-30 |
Jeremiah 1213 Sila'y nangaghasik ng trigo, at nagsiani ng mga tinik: sila'y nangagpakahirap, at walang pinakikinabang: at kayo'y mangapapahiya sa inyong mga gawa, dahil sa mabangis na galit ng Panginoon. Job 3140 Tubuan ng dawag sa halip ng trigo, at ng mga masamang damo sa halip ng cebada. Ang mga salita ni Job ay natapos. Matthew 1324 Isa pang talinghaga ang isinalaysay niya sa kanila na sinasabi, “Ang paghahari ng langit ay inihalintulad sa isang lalaki na naghasik ng mabuting binhi sa kaniyang bukirin.25 Ngunit habang natutulog ang mga tao, dumating ang kaniyang kaaway at naghasik ng mapanirang mga damo sa kalagitnaan ng mga trigo at umalis.26 At nang umusbong ang sibol at namunga, sa panahong iyon ay lumitaw rin ang mapanirang mga damo.27 Kaya nang lumapit ang mga alipin ng may-ari ng sambahayan ay kanilang sinabi, ‘Panginoon, hindi nga ba mabuting binhi ang inihasik mo sa iyong bukirin? Kung gayon, saan nagmula ang mapanirang mga damong naririto?’28 Sinabi niya sa kanila, ‘Ang kaaway ang taong gumawa nito.’ At sinabi ng mga alipin sa kaniya, ‘Kung gayon, ninanais mo bang kami ay pumunta at ipunin ang mga ito?’29 Ngunit sinabi niya, ‘Huwag, baka habang iniipon ninyo ang mapanirang mga damo ay kasabay ninyong mabunot ang mga trigo.30 Hayaan ninyong sila ay kapwa tumubo hanggang sa anihan at sa panahon ng anihan ay sasabihin ko sa mang-aani, “Ipunin muna ninyo ang mapanirang mga damo at itali ninyo sa mga bigkis upang matupok ng apoy, ngunit ang trigo ay ipunin ninyo sa aking kamalig.” ’ ” | |








