Magpasalamat
| Avainsanat | abala bakasyon mag-alala pabo pagkain pagkain pagpapasalamat pagud na pagod pangkusina punong tagapagluto sobra sa trabahong |
|---|---|
| Secondary Keywords | kabaliwan Marta Nainen nainen pagmamadalian polttaa |
| Mga Banal na Kasulatan | Lucas 10:38-41 Lucas 12:22-26 Matthew 6:25-34 |
Luke 1038 At nangyari, na sa kanilang pagpatuloy, si Jesus ay pumasok sa isang nayon. At may isang babaing ang pangalan ay Marta na tumanggap sa kaniya sa kaniyang bahay.39 Siya ay may babaing kapatid na tinatawag na Maria at nang siya ay umupo sa paanan ni Jesus, nakinig siya sa kaniyang salita.40 Subalit si Marta ay naabala ng maraming paglilingkod. Siya ay lumapit kay Jesus at sinabi, “Panginoon, wala bang halaga sa iyo na iniwan ako ng aking kapatid upang maglingkod akong nag-iisa? Sabihin mo nga sa kaniya na tulungan ako.”41 Ngunit sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, “Marta, Marta, ikaw ay nababalisa at nababagabag sa maraming mga bagay, Luke 1222 Ngunit sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, “Dahil dito, sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mabalisa sa inyong buhay, kung ano ang inyong kakainin, o kung ano ang inyong ibibihis sa inyong katawan.23 Ang buhay ay higit kaysa sa pagkain at ang katawan ay higit kaysa sa damit.24 Pagmasdan ninyong mabuti ang mga uwak sapagkat hindi sila naghahasik, ni hindi sila nag-aani, ni wala silang silid o kamalig, ngunit ang Diyos ang nagpapakain sa kanila. Gaano pa kaya kayo na higit na mahalaga kaysa sa mga ibon?25 Sino sa inyo na sa pamamagitan ng pagkabalisa ay nakakayanang magdagdag ng isang siko° sa kaniyang tangkad?26 Kaya yamang hindi ninyo magawa kahit ang pinakamaliit na bagay, bakit kayo nababalisa sa iba? Matthew 625 “Dahil dito, sinasabi ko sa inyo, huwag kayong mabalisa sa inyong buhay kung ano ang inyong kakainin, o kung ano ang inyong iinumin, o kung ano ang inyong isusuot sa inyong katawan. Hindi ba ang buhay ay higit pa sa pagkain at ang katawan sa damit?26 Masdan ninyo ang mga ibon sa himpapawid, hindi sila naghahasik, ni gumagapas, ni nag-iipon sa mga kamalig ngunit sila ay pinapakain ng inyong Ama na nasa langit. Hindi ba higit pa kayong mahalaga kaysa sa kanila?27 Sino sa inyo na sa pamamagitan ng pagkabalisa ay nakakayanang magdagdag ng isang siko° sa kaniyang tangkad?28 “At bakit kayo nababalisa patungkol sa pananamit? Pagmasdan ninyong mabuti ang mga liryo sa parang kung paano sila lumalaki. Hindi sila gumagawa, ni nagsisinulid.29 Ngunit sinasabi ko sa inyo na kahit si Solomon mismo ay hindi nakapagdamit nang katulad ng isa sa mga ito sa kaniyang buong kaluwalhatian.30 Ngunit kung ganito dinaramtan ng Diyos ang damo sa parang na ngayon ay nabubuhay at bukas ay itatapon sa pugon, hindi ba lalong higit kayo, kayong maliit ang pananampalataya?31 “Kaya huwag kayong mabalisa na nagsasabi, ‘Ano ang aming kakainin?’ o, ‘Ano ang aming iinumin?’ o, ‘Ano ang aming daramtin?’32 (sapagkat ang lahat ng mga bagay na ito ang hinahanap ng mga Gentil) dahil alam na ng inyong Ama na nasa langit na kinakailangan ninyo ang lahat ng mga bagay na ito.33 Subalit hanapin muna ninyo ang paghahari ng Diyos at ang kaniyang katuwiran, at ang lahat ng mga bagay na ito ay idadagdag sa inyo.34 Kaya huwag kayong mabalisa para sa kinabukasan sapagkat ang kinabukasan ang mababalisa sa mga bagay para sa kaniyang sarili. Sapat na para sa araw na ito ang kasamaan nito. | |








