Mies kantaa sänkyä
| Secondary Keywords | baldado Betesda dala Jeesus Jeesus kama Mies pahimakas paralisado Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | John 51 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay ang kapistahan ng mga Judio, kaya si Jesus ay umahon papunta sa Jerusalem. 2 Sa Jerusalem ay may malaking paliguan sa tabi ng Tarangkahan ng Tupa na tinatawag sa wikang Hebreo na Betesda na may limang portiko. 3 Ipinapahiga rito ang lubhang napakaraming may mga kapansanan, mga bulag, mga pilay at mga nanunuyot, na naghihintay ng paggalaw ng tubig 4 sapagkat may panahon na lumulusong ang isang anghel sa malaking paliguan at ginagalaw ang tubig. Kaya ang unang makalusong pagkatapos na magalaw ang tubig ay gumagaling sa anumang karamdamang nagpapahirap sa kaniya. 5 Naroroon ang isang lalaki na tatlumpu't walong taon nang maysakit. 6 Nang siya ay nakita ni Jesus na nakahiga at alam niya na matagal nang panahong siya ay may kapansanan, sinabi niya sa kaniya, “Nais mo bang gumaling?” 7 Sumagot sa kaniya ang may kapansanan, “Ginoo, walang taong magdadala sa akin sa malaking paliguan sa tuwing mapapagalaw ang tubig. At habang ako ay papunta, lumulusong na ang ibang nauuna sa akin.” 8 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Bumangon ka, dalhin mo ang iyong higaan at lumakad ka.” 9 Kaya kaagad na gumaling ang lalaki at dinala ang kaniyang higaan at naglakad-lakad, bagaman ang araw na iyon ay Sabat. 10 Sinabi nga ng mga Judio sa kaniya na pinagaling na, “Ito ay araw ng Sabat. Hindi ka pinahihintulutang magdala ng higaan.” 11 Sumagot siya sa kanila, “Siya na nagpagaling sa akin ang siyang nagsabi sa akin, ‘Dalhin mo ang iyong higaan at lumakad ka.’ ” 12 Kaya siya ay tinanong nila, “Sino ang lalaking nagsabi sa iyo, ‘Dalhin mo ang iyong higaan at lumakad ka’?” 13 Ngunit hindi nakilala ng pinagaling kung sino ang nagpagaling sa kaniya dahil si Jesus ay humiwalay na sa maraming tao na nasa lugar na iyon. 14 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay natagpuan siya ni Jesus sa templo at sinabi sa kaniya, “Narito, ikaw ay magaling na. Huwag ka nang magkasala pa upang walang anumang higit na malubhang bagay ang mangyayari sa iyo.” 15 Umalis ang lalaki at ipinamalita sa mga Judio na si Jesus ang nagpagaling sa kaniya. 16 Dahil dito ay pinagmamalupitan ng mga Judio si Jesus at siya ay kanilang hinahanap upang patayin sapagkat ginagawa niya ang mga bagay na ito sa araw ng Sabat. 17 Ngunit sumagot si Jesus sa kanila, “Ang aking Ama ay gumagawa hanggang sa kasalukuyan at ako ay gumagawa.” 18 Dahil dito, lalo siyang pinaghahanap ng mga Judio upang patayin sapagkat hindi lamang niya nilabag ang araw ng Sabat kundi tinawag pa niya ang Diyos na kaniyang Ama, na ginagawang kapantay ang kaniyang sarili sa Diyos. 19 Kaya sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, “Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, hindi makakagawa ng anuman ang Anak sa kaniyang sarili maliban sa anumang nakikita niyang ginagawa ng Ama, sapagkat anumang mga bagay na ginagawa niya ay gayundin naman ang ginagawa ng Anak. 20 Sapagkat minamahal ng Ama ang Anak at ipinapakita sa kaniya ang lahat ng kaniyang ginagawa. Ipapakita niya sa kaniya ang mga dakilang gawa higit sa mga ito upang kayo ay mamangha. 21 At kung paanong ibinabangon at binubuhay ng Ama ang mga patay ay binubuhay rin naman ng Anak ang sinumang ninanais niya. 22 Sapagkat hindi humahatol ang Ama sa sinuman, ngunit ang lahat ng paghatol ay ibinigay sa Anak 23 upang maparangalan ng lahat ang Anak kung paano nila pinaparangalan ang Ama. Ang hindi nagpaparangal sa Anak ay hindi nagpaparangal sa Ama na nagsugo sa kaniya. 24 “Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, siya na dumirinig sa aking salita at sumasampalataya sa kaniya na nagsugo sa akin ay may buhay na walang hanggan at hindi pupunta sa paghatol kundi lumipat na mula sa kamatayan patungo sa buhay. 25 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo na ang oras ay darating, at ito ay ngayon na, na maririnig ng mga patay ang tinig ng Anak ng Diyos at sila na nakarinig ay mabubuhay 26 sapagkat kung paanong ang Ama ay mayroong buhay sa kaniyang sarili, sa gayon ding paraan ay ipinagkaloob niya sa Anak na magkaroon ng buhay sa kaniyang sarili. 27 Ang kapamahalaan ay ipinagkaloob din sa kaniya upang magsagawa ng paghatol sapagkat siya ay Anak ng Tao. 28 Huwag kayong mamangha sa bagay na ito sapagkat darating ang oras na ang lahat niyaong nasa mga libingan ay makakarinig ng kaniyang tinig, 29 at sila na gumawa ng mabuti ay babangon patungo sa muling pagkabuhay sa buhay na walang hanggan, subalit sila na mga gumawa ng masama ay babangon patungo sa muling pagkabuhay sa kahatulan. 30 Hindi ako makakagawa ng anuman na mula sa aking sarili. Ako ay humahatol ayon sa naririnig ko at ang aking hatol ay matuwid sapagkat hindi ko hinahangad ang aking kalooban kundi ang kalooban ng Ama na nagsugo sa akin. 31 “Kung ako ay magpapatotoo patungkol sa aking sarili, ang aking patotoo ay hindi totoo. 32 Mayroong iba na nagpapatotoo patungkol sa akin at alam ko na totoo ang patotoong pinatotohanan niya patungkol sa akin. 33 Kayo ay nagsugo kay Juan at siya ay nagpatotoo sa katotohanan. 34 Subalit hindi ako tumatanggap ng patotoo mula sa tao, ngunit sinasabi ko ang mga bagay na ito upang kayo ay maligtas. 35 Siya ang nagniningas at nagliliwanag na ilawan, at ninais ninyong lubhang magalak sa kaniyang liwanag sa maikling panahon. 36 Subalit mayroon akong patotoo na lalong dakila kaysa kay Juan sapagkat ang mga gawain na ipinagkaloob sa akin ng Ama na aking ganapin, ang mga gawaing ito mismo na aking ginagawa, ay nagpapatotoo patungkol sa akin na ang Ama ang nagsugo sa akin. 37 Ang Ama mismo na nagsugo sa akin ang nagpatotoo patungkol sa akin. Kailanman ay hindi ninyo narinig ang kaniyang tinig, ni nakita man ang kaniyang anyo. 38 Hindi ninyo pinapanatili ang kaniyang salita sa inyo sapagkat siya na kaniyang sinugo ay hindi ninyo sinasampalatayanan. 39 Sinasaliksik ninyo ang mga Kasulatan sapagkat iniisip ninyong sa mga iyon kayo ay may buhay na walang hanggan, at ang mga iyon ang nagpapatotoo patungkol sa akin, 40 ngunit hindi ninyo ninanais na lumapit sa akin upang kayo ay magkaroon ng buhay. 41 “Hindi ako tumatanggap ng kaluwalhatian mula sa mga tao. 42 Subalit kilala ko na kayo, na wala sa inyong mga sarili ang pag-ibig ng Diyos. 43 Pumarito ako sa pangalan ng aking Ama at hindi ninyo ako tinanggap. Kapag may ibang pumarito sa kaniyang sariling pangalan, siya ang inyong tatanggapin. 44 Papaano kayo makakasampalataya, kayo na tumatanggap ng kaluwalhatian sa isa't isa ngunit hindi ninyo hinahanap ang kaluwalhatiang mula sa iisang Diyos? 45 Huwag ninyong isiping pararatangan ko kayo sa Ama. Ang isang nagpaparatang sa inyo ay si Moises na siya ninyong inasahan 46 dahil kung nananampalataya kayo kay Moises, nananampalataya rin kayo sa akin sapagkat siya yaong sumulat patungkol sa akin. 47 Ngunit kung hindi ninyo sinasampalatayanan ang kaniyang mga sulat, paano ninyo sasampalatayanan ang aking mga salita?” |