1 Ang pananalitang ito ay mapagkakatiwalaan: Kung masikap na hinahangad ng sinuman ang gawain ng isang tagapangasiwa, siya ay nagnanais ng mabuting gawain.2 Ang tagapangasiwa nga ay dapat hindi napupulaan, lalaking may isang asawa, maingat sa pag-iisip, maayos ang pag-iisip, mabuting pag-uugali, bukas ang tahanan sa mga dayuhan, handang magturo,3 hindi manginginom ng alak, hindi palaaway, hindi gahaman sa masamang kapakinabangan, sa halip ay mahinahon, mapayapa, hindi maibigin sa salapi,