5 “Ang manghahasik ay lumabas upang ihasik ang kaniyang binhi. Sa kaniyang paghahasik, ang isa nga ay nahulog sa tabi ng daan at ito ay natapakan at ito ay nilamon ng mga ibon sa himpapawid.6 Ang iba ay nahulog sa bato. Nang ito ay umusbong, ito ay natuyo dahil sa walang hamog.7 Ang iba ay nahulog sa gitna ng mga tinik at ang mga tinik ay umusbong kasabay ng mga ito at sinakal ang mga ito.8 At ang iba ay nahulog sa mabuting lupa. Ang mga ito ay umusbong at namunga ng isandaang beses.” Pagkasabi niya ng mga bagay na ito, siya ay sumigaw, “Ang may mga tainga upang makinig, hayaan siyang makinig!”