6 At nangyari rin sa ibang araw ng Sabat, na siya ay pumasok sa sinagoga upang magturo, at may isang lalaki roon na ang kanang kamay ay natuyot.7 Ngunit siya ay minamatyagan ng mga eskriba at ng mga Fariseo kung siya ay magpapagaling sa araw ng Sabat upang sila ay makakita ng maipaparatang laban sa kaniya.8 Subalit alam ni Jesus ang kanilang mga iniisip kaya sinabi niya sa lalaking natuyot ang kamay, “Bumangon ka at tumayo ka sa kalagitnaan.” Kaya siya ay bumangon at tumayo.9 Pagkatapos, sinabi ni Jesus sa kanila, “Magtatanong ako sa inyo ng isang bagay, Ipinahihintulot ba sa mga araw ng Sabat ang gumawa ng mabuti o ang gumawa ng masama? Ang magligtas ng buhay o ang pumatay?”10 At siya ay tumingin sa kanilang lahat sa palibot at sinabi niya sa lalaki, “Iunat mo ang iyong kamay.” At ginawa niya ang gayon at ang kaniyang kamay ay nanumbalik na magaling katulad ng isa.11 Ngunit sila ay napuno ng kahangalan kaya nag-usap-usap sila kung ano ang maaari nilang gawin kay Jesus.
Mark 3
1 Again he entered the synagogue, and a man was there with a withered hand.2 And they watched Jesus, to see whether he would heal him on the Sabbath, so that they might accuse him.3 And he said to the man with the withered hand, “Come here.”4 And he said to them, “Is it lawful on the Sabbath to do good or to do harm, to save life or to kill?” But they were silent.5 And he looked around at them with anger, grieved at their hardness of heart, and said to the man, “Stretch out your hand.” He stretched it out, and his hand was restored.6 The Pharisees went out and immediately held counsel with the Herodians against him, how to destroy him.
Matthew 12
9 At pagkaalis niya roon, siya ay pumasok sa kanilang sinagoga.10 Narito, may isang lalaki na natuyot ang kamay. At tinanong nila si Jesus na sinabi, “Ipinapahintulot ba na magpagaling sa mga araw ng Sabat?” Siya ay tinanong nila upang siya ay kanilang maparatangan.11 Ngunit sinabi niya sa kanila, “Sino kaya sa inyo ang taong mayroong isang tupa, at kung ito ay mahulog sa hukay sa mga araw ng Sabat, hindi kaya niya ito kukunin at iaahon?12 Gaano pa kaya ang isang tao na higit na mahalaga kaysa sa tupa? Kung gayon, ipinapahintulot ang gumawa ng mabuti sa mga araw ng Sabat.”13 Pagkatapos nito ay sinabi niya sa lalaki, “Iunat mo ang iyong kamay.” Kaya iniunat niya ito at ito ay naipanumbalik na magaling katulad ng isa.14 Kaya pag-alis ng mga Fariseo, sila ay nagdaos ng sanggunian laban sa kaniya, kung paano nila siya mapapatay.