wjpas0625
| Secondary Keywords | dagat himala hinuli isda Joki marami pangingisda saluhin |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | John 216 At sinabi niya sa kanila, “Ihulog ninyo ang lambat sa bahaging kanan ng bangka at makakatagpo kayo.” Kaya inihulog nila ang lambat at hindi na nila ito kayang hilahin dahil sa dami ng isda. 7 Kaya ang alagad na iyon na iniibig ni Jesus ay nagsabi kay Pedro, “Ang Panginoon iyon!” Nang narinig nga ni Simon Pedro na ang Panginoon iyon, isinuot niya ang kaniyang pang-ibabaw na damit (sapagkat siya ay nakahubad) at tumalon siya sa dagat. 8 Subalit ang ibang mga alagad na nakasakay sa maliit na bangka ay dumating na hila-hila ang lambat na may mga isda (sapagkat hindi sila gaanong malayo sa dalampasigan kundi halos dalawandaang siko lamang). 9 Kaya pagkababa nila sa dalampasigan, nakita nila ang nakalatag na nagbabagang mga uling at may nakapatong na isda at tinapay. 10 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Magdala kayo rito ng mga isda mula sa mga nahuli ninyo ngayon.” 11 Umahon si Simon Pedro at hinila niya sa dalampasigan ang lambat na puno ng malalaking isda na ang bilang ay isandaan at limampu't tatlo at kahit ganoon karami, hindi napunit ang lambat. Luke 56 Nang nagawa nila ito, sila ay nakahuli ng lubhang maraming isda at ang lambat nila ay napunit. 7 Kaya kinawayan nila ang kanilang kasamahan sa ibang bangka na lumapit upang sila ay tumulong sa kanila. At sila ay lumapit at pinuno nila ang dalawang bangka kung kaya sila ay nagsimula nang lumubog. |








