39 Sa mga araw na iyon, si Maria ay tumindig at nagmamadaling pumunta sa lupaing maburol sa lungsod ng Juda.40 At siya ay pumasok sa bahay ni Zacarias at bumati kay Elisabet.41 At nangyari, nang narinig ni Elisabet ang pagbati ni Maria, ang sanggol sa kaniyang sinapupunan ay lumundag. At si Elisabet ay napuspos ng Banal na Espiritu.42 At siya ay sumigaw na may malakas na tinig at sinabi, “Pinagpala ka sa mga kababaihan at pinagpala ang bunga ng iyong sinapupunan!