14 Kaya't ang Panginoon nga ay magbibigay sa inyo ng tanda; narito, isang dalaga ay maglilihi, at manganganak ng isang lalake, at tatawagin ang kaniyang pangalan na Emmanuel.
Isaiah 9
6 Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan.
Luke 1
31 Narito, ikaw ay maglilihi sa iyong sinapupunan at manganganak ng isang lalaki at ang pangalang itatawag mo sa kaniya ay Jesus.
Luke 2
7 At isinilang niya ang kaniyang panganay na anak na lalaki at siya ay binalot ng mahabang tela at inihiga niya sa sabsaban sapagkat wala ng lugar para sa kanila sa bahay-tuluyan.