38 At nangyari, na sa kanilang pagpatuloy, si Jesus ay pumasok sa isang nayon. At may isang babaing ang pangalan ay Marta na tumanggap sa kaniya sa kaniyang bahay.39 Siya ay may babaing kapatid na tinatawag na Maria at nang siya ay umupo sa paanan ni Jesus, nakinig siya sa kaniyang salita.40 Subalit si Marta ay naabala ng maraming paglilingkod. Siya ay lumapit kay Jesus at sinabi, “Panginoon, wala bang halaga sa iyo na iniwan ako ng aking kapatid upang maglingkod akong nag-iisa? Sabihin mo nga sa kaniya na tulungan ako.”41 Ngunit sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, “Marta, Marta, ikaw ay nababalisa at nababagabag sa maraming mga bagay,42 subalit isang bagay ang kailangan, at pinili ni Maria ang mabuting bahagi na hindi makukuha sa kaniya.”