Marian lahja
| Secondary Keywords | Jeesus Jeesus kaibigan Magdalena Maria pahimakas regalo Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | John 121 Anim na araw bago ang Paglagpas, si Jesus ay pumunta sa Betania, na kinaroonan ni Lazaro na namatay na at kaniyang ibinangon mula sa mga patay. 2 Sila ay naghanda roon ng hapunan para sa kaniya. Si Marta ay naglingkod ngunit si Lazaro ay isa sa mga nakaupong kasalo niya sa hapag. 3 Si Maria ay kumuha ng isang librang° mamahalin na pabangong langis ng nardo at ipinahid niya sa mga paa ni Jesus at pinunasan niya ng kaniyang buhok ang mga paa ni Jesus, at ang bahay ay napuno ng halimuyak ng pabangong langis. 4 Kaya si Judas na taga-Keriot na anak ni Simon, na isa sa kaniyang mga alagad na siyang magkakanulo kay Jesus, ay nagsabi, 5 “Bakit hindi ipinagbili ang pabangong langis na ito sa halagang tatlong daang denaryo° at ipinamigay sa mga dukha?” 6 Ito ay sinabi niya, hindi dahil siya ay nagmamalasakit sa mga dukha kundi dahil siya ay magnanakaw, at nasa kaniya ang supot ng salapi at kinukupit niya ang mga inilalagay rito. 7 Kaya sinabi ni Jesus, “Pabayaan ninyo siya, inilaan na niya ito para sa araw ng aking libing 8 sapagkat ang mga dukha ay palagi ninyong kasama, ngunit ako ay hindi ninyo palaging makakasama.” 9 Maraming mga Judio ang nakaalam na siya ay naroroon. Sila ay pumunta hindi lamang dahil kay Jesus kundi upang makita rin si Lazaro na ibinangon niya mula sa mga patay. 10 Subalit ang mga punong saserdote ay nagsanggunian upang patayin din si Lazaro 11 sapagkat dahil sa kaniya, maraming mga Judio ang lumayo at sumampalataya kay Jesus. Luke 736 At isa sa mga Fariseo ang humiling na siya ay makasamang kumain at pagpasok niya sa bahay ng Fariseo, siya ay umupo sa hapag. 37 At narito, may isang babaing makasalanan na nasa lungsod na iyon. Nang nalaman niya na si Jesus ay umupo sa hapag sa bahay ng Fariseo, siya ay nagdala ng pabango na nasa sisidlang alabastro. 38 At siya ay tumayong nananaghoy sa likuran ng paanan ni Jesus. At sinimulan niyang basain ng mga luha ang mga paa ni Jesus at pinupunasan niya ang mga ito ng kaniyang buhok at magiliw niyang hinahalikan ang mga paa ni Jesus at pinapahiran ang mga ito ng pabango. 39 Ngunit nang nakita ito ng Fariseo na nag-anyaya kay Jesus, sinabi niya sa kaniyang sarili, “Kung propeta ang taong ito, nalaman sana niya kung sino at anong uring babae ang humahawak sa kaniya sapagkat ang babaing ito ay makasalanan.” 40 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, “Simon, may ilang bagay akong sasabihin sa iyo.” At sinabi niya, “Guro, sabihin mo.” 41 Sinabi ni Jesus, “May dalawang lalaking nangutang sa isang nagpapautang. Ang isa ay umutang ng limandaang denaryo° at ang isa ay limampu. 42 At dahil wala silang maibayad, sila ay kaniyang pinatawad. Sabihin mo, sino kaya sa kanila ang higit na magmamahal sa kaniya?” 43 Sumagot si Simon at kaniyang sinabi, “Sa palagay ko ay yaong pinatawad niya ng mas malaki.” At sinabi ni Jesus sa kaniya, “Tama ang iyong inihatol.” 44 At nang siya ay lumingon sa babae, sinabi niya kay Simon, “Nakikita mo ba ang babaing ito? Pumasok ako sa iyong bahay, hindi mo ako binigyan ng tubig para sa aking mga paa. 45 Hindi mo ako binigyan ng halik, ngunit ang babaing ito ay hindi humihinto sa paghalik sa aking mga paa mula nang ako ay pumasok. 46 Hindi mo pinahiran ng langis ng olibo ang aking ulo, ngunit pinahiran niya ng pabango ang aking mga paa. 47 Dahil dito, sinasabi ko sa iyo, Pinatawad na ang marami niyang kasalanan sapagkat siya ay umibig nang lubos. Subalit ang pinatawad ng kaunti ay umiibig ng kaunti.” 48 At sinabi niya sa babae, “Ang mga kasalanan mo ay pinatawad na.” 49 At ang mga kasama niyang nakaupo sa hapag ay nagsimulang magsabi sa kanilang mga sarili, “Sino ito na nagpapatawad din ng mga kasalanan?” 50 Kaya sinabi niya sa babae, “Iniligtas ka ng iyong pananampalataya. Humayo kang payapa.” Mark 141 Pagkaraan ng dalawang araw ay ang Kapistahan ng Paglagpas at Kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa. Ang mga punong saserdote at ang mga eskriba ay humahanap ng paraan upang palinlang nilang madakip si Jesus at maipapatay. 2 Ngunit ang sabi nila, “Huwag sa kapistahan baka magkagulo ang mga tao.” 3 At samantalang siya ay nasa Betania, habang dumudulog siya sa hapag-kainan sa bahay ni Simon na ketongin, may dumating na babaing may dala-dalang sisidlang alabastro na puno ng mamahaling pabango na purong nardo. At pagkabasag niya sa sisidlang alabastro ay ibinuhos niya ang pabango sa ulo ni Jesus. 4 Ngunit ang ilan na nagngingitngit ay nag-usap-usap, “Bakit ginawa ang pagsasayang ng pabangong ito? 5 Sapagkat maaring maipagbili ito nang higit sa tatlong daang denaryo° at maipamahagi sa mga dukha.” Kaya nagalit sila sa kaniya. 6 Ngunit sinabi ni Jesus, “Hayaan ninyo siya. Bakit ninyo siya binibigyan ng kabalisahan? Mabuti ang gawain na kaniyang ginawa para sa akin, 7 sapagkat ang mga dukha ay palagi ninyong kasama, at sa tuwing nanaisin ninyo ay makakagawa kayo ng mabuti sa kanila, ngunit ako ay hindi ninyo palaging kasama. 8 Ginawa ng babaing ito ang kaniyang magagawa. Siya ay naghanda upang pahiran ang aking katawan para sa aking libing. 9 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, saan man ipapangaral ang ebanghelyong ito sa buong sanlibutan, ang ginawa rin niyang ito ay isasalaysay bilang pag-alaala sa kaniya.” Matthew 261 At nangyari, nang natapos na ni Jesus ang lahat ng mga pananalitang ito, sinabi niya sa kaniyang mga alagad, 2 “Alam na ninyo na pagkalipas ng dalawang araw ay magaganap ang Paglagpas at ang Anak ng Tao ay ipagkakanulo upang ipako sa krus.” 3 Sa oras na iyon ay nagtipun-tipon ang mga punong saserdote at ang mga eskriba at ang matatanda ng bayan sa bulwagan ng pinakapunong saserdote, siya na tinatawag na Caifas. 4 At sila ay nagsanggunian upang si Jesus ay kanilang madakip sa pamamagitan ng paglinlang upang siya ay ipapatay. 5 Ngunit sinabi nila, “Huwag sa kapistahan upang hindi magkaroon ng kaguluhan sa mga tao.” 6 At nang dumating si Jesus sa Betania sa bahay ni Simon na ketongin, 7 may isang babaing lumapit sa kaniya na may dala-dalang sisidlang alabastro na may mamahaling pamahid. At ito ay ibinuhos niya sa ulo ni Jesus habang siya ay nakadulog sa hapag. 8 Ngunit nang nakita ito ng kaniyang mga alagad, sila ay lubhang nagalit na sinasabi, “Para sa ano ang pag-aaksayang ito? 9 Sapagkat ang pamahid na ito ay maaring ipagbili sa malaking halaga at maipamigay sa mga dukha.” 10 Subalit dahil alam ito ni Jesus, sinabi niya sa kanila, “Bakit ninyo binibigyan ng kabalisan ang babae? Sapagkat siya ay gumawa ng mabuting gawa para sa akin 11 dahil ang mga dukha ay palagi ninyong nakakasama ngunit ako ay hindi ninyo palaging nakakasama. 12 Ang pagbuhos niya ng pamahid na ito sa aking katawan ay ginawa niya para sa paglibing sa akin. 13 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, saanman sa buong sanlibutan ipapangaral ang ebanghelyong ito, ang ginawa ng babaing ito ay isasalaysay din bilang pag-alaala sa kaniya.” |








