31 Kaya kung kayo man ay kumakain, o umiinom o gumagawa ng anuman, gawin ninyo ang lahat para sa kaluwalhatian ng Diyos.
Acts 27
35 At pagkasabi niya ng mga bagay na ito ay kumuha siya ng tinapay at nagpasalamat sa Diyos sa harapan ng lahat. Pagkatapos niya itong pagputol-putulin, siya ay nagsimulang kumain.
Colossians 3
17 At anuman ang inyong mga gagawin, sa salita o sa gawa, gawin ninyo ang lahat sa pangalan ng Panginoong Jesus, na nagpapasalamat sa Diyos at Ama sa pamamagitan niya.
Deuteronomy 8
10 At kakain ka, at mabubusog ka, at iyong pupurihin ang Panginoon mong Dios dahil sa mabuting lupain na kaniyang ibinigay sa iyo.
James 4
6 Ngunit siya ay nagbibigay ng higit na biyaya kung kaya sinasabi niya, “Sinasalungat ng Diyos ang mga mapagmataas, ngunit siya ay nagbibigay ng biyaya sa mga mapagpakumbaba.” Kaw 3:34
Luke 11
3 Ibigay mo sa amin sa araw na ito, ang pang-araw-araw naming pagkain.