35 At lumapit kay Jesus sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo, na nagsasabi, “Guro, ninanais namin na anuman ang aming hihilingin sa iyo ay iyong gagawin sa amin.”36 At sinabi ni Jesus sa kanila, “Ano ang ibig ninyong gawin ko para sa inyo?”37 Kaya sinabi nila sa kaniya, “Ipagkaloob mo sa amin na kami ay makaupo sa iyong kaluwalhatian, ang isa ay sa bahaging kanan mo at ang isa ay sa bahaging kaliwa mo.”38 Subalit sinabi ni Jesus sa kanila, “Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihiling. Magagawa ba ninyong inumin ang sarong aking iinumin at mabawtismuhan ng bawtismong ibinabawtismo sa akin?”39 At sinabi nila kay Jesus, “Magagawa namin.” Subalit sinabi ni Jesus sa kanila, “Ang saro nga na aking iniinom ay iinumin ninyo at ang bawtismo na ibinabawtismo sa akin ay ibabawtismo sa inyo.40 Ngunit ang pag-upo sa aking bahaging kanan at sa aking bahaging kaliwa ay hindi ako ang magkakaloob kundi ito ay ipagkakaloob sa kanila na pinaghandaan nito.”