Messias
| Avainsanat | Jeesus Jeesus krus Messias profetia propeta Raamattu |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Acts 13:35–37 Deuteronomy 18:15–19 Exodus 12:1–51 Genesis 22:1–18 Isaiah 42:1,4 Isaiah 52:13–53:12 Isaiah 61:1–2 John 19:23-24 Matthew 8:16–17 Numbers 24:17,19 Psalm 118:22–24 Psalm 16:8–11 Psalm 22:1-31 Zechariah 11:12–13 Zechariah 12:10 |
Acts 1335 Kaya sinabi rin niya sa ibang Awit, ‘Hindi mo hahayaan na ang iyong Banal ay makakita ng pagkabulok.’ Awi 16:10 Deuteronomy 1815 Palilitawin sa iyo ng Panginoon mong Dios ang isang propeta sa gitna mo, sa iyong mga kapatid, na gaya ko; sa kaniya kayo makikinig; Exodus 121 At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises at kay Aaron sa lupain ng Egipto, na sinasabi, Genesis 221 At nangyari pagkatapos ng mga bagay na ito, na sinubok ng Dios si Abraham, at sa kaniya'y sinabi, Abraham; at sinabi niya, Narito ako. Isaiah 421 Narito, ang aking lingkod, na aking inaalalayan; ang aking hinirang, na kinalulugdan ng aking kaluluwa; isinakaniya ko ang aking Espiritu; siya'y maglalapat ng kahatulan sa mga bansa. Isaiah 5213 Narito, ang lingkod ko ay gagawang may karunungan, siya'y mabubunyi, at malalagay na mataas, at magiging napakataas. Isaiah 611 Ang Espiritu ng Panginoong Dios ay sumasa akin; sapagka't pinahiran ako ng Panginoon upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga maamo; kaniyang sinugo ako upang magpagaling ng mga bagbag na puso, upang magtanyag ng kalayaan sa mga bihag, at magbukas ng bilangguan sa nangabibilanggo; John 1923 Kaya nang naipako ng mga kawal si Jesus sa krus, kinuha nila ang kaniyang mga kasuotan, pinagbaha-bahagi nila ang mga ito sa apat, sa bawat kawal ay isang bahagi at gayundin ang kaniyang tunika. Ngunit ang tunika na hinabing-buo ay walang tahi mula sa itaas pababa.24 Sinabi nga nila sa isa't isa, “Huwag natin itong punitin kundi magpalabunutan tayo kung kanino ito mapupunta” upang matupad ang Kasulatan na nagsasabi, “Pinagbaha-bahaginan nila ang aking mga kasuotan at nagpalabunutan sila para sa aking balabal.” Awi 22:18 Kaya nga, ito ang mga ginawa ng mga kawal. Matthew 816 Kinagabihan, dinala nila sa kaniya ang maraming inaalihan ng mga demonyo. Sa isang salita pinalayas niya ang masasamang espiritu at pinagaling ang lahat na mga maysakit Numbers 2417 Aking makikita siya, nguni't hindi ngayon; Aking mapagmamasdan siya, nguni't hindi sa malapit: Lalabas ang isang bituin sa Jacob, At may isang setro na lilitaw sa Israel, At sasaktan ang mga sulok ng Moab, At lilipulin ang lahat ng mga anak ng kaguluhan. Psalm 11822 Ang bato na itinakuwil ng nangagtayo ng bahay ay naging pangulo sa sulok. Psalm 168 Aking inilagay na lagi ang Panginoon sa harap ko: sapagka't kung siya ay nasa aking kanan, hindi ako makikilos. Psalm 221 Dios ko, Dios ko, bakit mo ako pinabayaan? Bakit ka napaka layo sa pagtulong sa akin, at sa mga salita ng aking pagangal?2 Oh Dios ko, ako'y humihiyaw sa araw, nguni't hindi ka sumasagot: at sa gabi, at hindi ako tahimik.3 Nguni't ikaw ay banal, Oh ikaw na tumatahan sa mga pagpuri ng Israel.4 Ang aming mga magulang ay nagsitiwala sa iyo: sila'y nagsitiwala, at iyong iniligtas sila.5 Sila'y nagsidaing sa iyo at nangaligtas: sila'y nagsitiwala sa iyo, at hindi nangapahiya.6 Nguni't ako'y uod at hindi tao; duwahagi sa mga tao, at hinamak ng bayan.7 Silang lahat na nangakakita sa akin ay tinatawanang mainam ako: inilalawit nila ang labi, iginagalaw nila ang ulo, na sinasabi,8 Magpakatiwala ka sa Panginoon; iligtas niya siya: iligtas niya siya yamang kinaluluguran niya siya:9 Nguni't ikaw ang naglabas sa akin sa bahay-bata: Pinatiwala mo ako nang ako'y nasa mga suso ng aking ina.10 Ako'y nahagis sa iyo mula sa bahay-bata: ikaw ay aking Dios mulang dalhin ako sa tiyan ng aking ina.11 Huwag mo akong layuan; sapagka't kabagabagan ay malapit; sapagka't walang tumulong.12 Niligid ako ng maraming toro; mga malakas na toro ng Basan ay kumulong sa akin.13 Sila'y magbubuka sa akin ng kanilang bibig, na gaya ng sumasakmal at umuungal na leon.14 Ako'y nabuhos na parang tubig, at lahat ng aking mga buto ay nangapapalinsad: ang aking puso ay parang pagkit; natutunaw ito sa loob ko.15 Ang aking kalakasan ay natuyo na parang bibinga; at ang aking dila ay dumidikit sa aking ngalangala; at dinala mo ako sa alabok ng kamatayan.16 Sapagka't niligid ako ng mga aso: kinulong ako ng pulutong ng mga manggagawa ng masama; binutasan nila ang aking mga kamay at ang aking mga paa.17 Aking maisasaysay ang lahat ng aking mga buto; kanilang minamasdan, at pinapansin ako:18 Hinapak nila ang aking mga kasuutan sa gitna nila, at kanilang pinagsapalaran ang aking kasuutan.19 Nguni't huwag kang lumayo, Oh Panginoon: Oh ikaw na aking saklolo, magmadali kang tulungan mo ako.20 Iligtas mo ang aking kaluluwa sa tabak; ang aking minamahal sa kapangyarihan ng aso.21 Iligtas mo ako sa bibig ng leon; Oo, mula sa mga sungay ng torong gubat ay sinagot mo ako.22 Aking ipahahayag ang iyong pangalan sa aking mga kapatid: sa gitna ng kapulungan ay pupurihin kita.23 Kayong nangatatakot sa Panginoon ay magsipuri sa kaniya: kayong lahat na binhi ni Jacob ay lumuwalhati sa kaniya; at magsitayong may takot sa kaniya, kayong lahat na binhi ni Israel.24 Sapagka't hindi niya hinamak o pinagtaniman man ang kadalamhatian ng nagdadalamhati; ni ikinubli man niya ang kaniyang mukha sa kaniya; kundi nang siya'y dumaing sa kaniya, ay kaniyang dininig.25 Sa iyo nanggagaling ang pagpuri sa akin sa dakilang kapisanan: aking tutuparin ang aking mga panata sa harap nila na nangatatakot sa kaniya.26 Ang maamo ay kakain at mabubusog: kanilang pupurihin ang Panginoon na humanap sa kaniya; mabuhay nawa ang iyong puso magpakailan man.27 Lahat ng mga wakas ng lupa ay makakaalaala, at magsisipanumbalik sa Panginoon: at lahat ng mga angkan ng mga bansa ay magsisisamba sa harap mo.28 Sapagka't ang kaharian ay sa Panginoon: at siya ang puno sa mga bansa.29 Lahat na matataba sa lupa ay magsisikain, at magsisisamba: silang lahat na nagsisibaba sa alabok ay magsisiyukod sa harap niya, sa makatuwid baga'y ang hindi makapagingat na buhay ng kaniyang kaluluwa.30 Isang binhi ay maglilingkod sa kaniya, sasaysayin ang Panginoon sa susunod na salin ng lahi,31 Sila'y magsisiparoon at mangaghahayag ng kaniyang katuwiran, sa bayan na ipanganganak ay ibabalita, yaong kaniyang ginawa. Zechariah 1112 At sinabi ko sa kanila; Kung inaakala ninyong mabuti, bigyan ninyo ako ng aking kaupahan; at kung hindi, inyong pabayaan. Sa gayo'y kanilang tinimbangan ang kaupahan ko ng tatlong pung putol na pilak. Zechariah 1210 At aking bubuhusan ang sangbahayan ni David, at ang mga mananahan sa Jerusalem, ng espiritu ng biyaya at ng daing; at sila'y magsisitingin sa akin na kanilang pinalagpasan: at kanilang tatangisan siya, na gaya ng pagtangis sa bugtong na anak, at magiging kapanglawan sa kaniya, na parang kapanglawan sa kaniyang panganay. | |








