Mga templo
| Avainsanat | Jeesus Jeesus pariseo templo |
|---|---|
| Secondary Keywords | Jerusalem pari |
| Mga Banal na Kasulatan | Isaiah 56:7 Jeremiah 7:11 Juan 2:13-19 Lucas 19:45-48 Marcos 11:15-19 |
Isaiah 567 Sila ay dadalhin ko sa aking banal na bundok, at papagkakatuwain ko sila sa aking bahay na dalanginan: ang kanilang mga handog na susunugin at ang kanilang mga hain ay tatanggapin sa aking dambana; sapagka't ang aking bahay ay tatawaging bahay na panalanginan para sa lahat ng mga bayan. Jeremiah 711 Ang bahay bagang ito na tinawag sa aking pangalan, naging yungib ng mga tulisan sa harap ng inyong mga mata? Narito, ako, ako nga ang nakakita, sabi ng Panginoon. John 213 Malapit na ang Araw ng Paglagpas ng mga Judio at umahon si Jesus patungong Jerusalem.14 Nakita niya sa templo ang mga nagtitinda ng mga baka, ng mga tupa at ng mga kalapati, at ang mga mamamalit-salapi na nakaupo.15 Pagkagawa niya ng panghagupit na lubid, itinaboy niya silang lahat papalabas sa templo, at ang mga tupa at ang mga toro. Ibinuhos niya ang salapi ng mga mamamalit-salapi at itinumba ang kanilang mga mesa.16 Sa mga nagtitinda ng kalapati ay sinabi niya, “Alisin ninyo rito ang mga bagay na ito. Huwag ninyong gawing bahay-kalakal ang bahay ng aking Ama.”17 Naalala ng kaniyang mga alagad ang nasusulat, “Nilamon ako ng kasigasigan ng iyong bahay.” Awi 69:918 Sumagot nga ang mga Judio at sinabi sa kaniya, “Anong tanda ang maipapakita mo sa amin yamang ginawa mo ang mga bagay na ito?”19 Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, “Gibain ninyo itong banal na dako ng templo at aking itatayo sa loob ng tatlong araw.” Luke 1945 At nang siya ay pumasok sa templo, sinimulan niyang itaboy ang mga nagtitinda at namimili roon.46 Sinabi niya sa kanila, “Nasusulat, ‘Ang aking bahay ay bahay-dalanginan’ Isa 56:7 ngunit ginawa ninyo itong ‘yungib ng mga tulisan.’ ” Jer 7:1147 At si Jesus ay nagtuturo araw-araw sa templo, ngunit ang mga punong saserdote, ang mga eskriba at ang mga pinuno ng mga tao ay naghahanap ng paraan upang siya ay patayin.48 Subalit hindi pa nila nakikita kung ano ang maari nilang gawin dahil ang lahat ng tao ay nakatuong nakikinig sa kaniya. Mark 1115 At sila ay dumating sa Jerusalem at pagpasok ni Jesus sa templo, sinimulan niyang itaboy ang mga nagtitinda at ang mga namimili sa templo, at itinaob niya ang mga mesa ng mga mamamalit-salapi at ang mga upuan ng mga nagtitinda ng mga kalapati.16 At hindi niya pinapayagang dumaan sa loob ng templo ang sinumang magdadala ng sisidlan.17 At siya ay nangaral na sinasabi sa kanila, “Hindi ba nasusulat, ‘Ang aking bahay ay tatawaging bahay-dalanginan para sa lahat ng mga bansa’ Isa 56:7 ngunit ginawa ninyo itong ‘yungib ng mga tulisan.’ ” Jer 7:1118 At ang mga eskriba at ang mga punong saserdote ay nakinig, kaya naghanap sila ng paraan kung paano nila siya papatayin sapagkat sila ay natakot kay Jesus dahil ang lahat ng mga tao ay namangha sa kaniyang katuruan.19 At nang gumabi na, siya ay lumabas sa lungsod. | |








