4 Ganito ang nasusulat sa aklat ng mga salita ni propeta Isaias na sinasabi, “Ang tinig ng sumisigaw sa ilang, ‘Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon. Gawin ninyong matuwid ang kaniyang mga landas.5 Ang bawat bangin ay tatambakan at ang bawat bundok at burol ay papatagin at ang mga liko ay gawing matuwid at ang mga baku-bako ay gawing pantay na mga daan.