20 Kaya sinabi ni Jesus sa kanila, “Dahil sa inyong hindi pananampalataya. Ngunit katotohanang sinasabi ko sa inyo, kapag kayo ay magkakaroon ng pananampalatayang katulad ng butil ng mustasa ay sasabihin ninyo sa bundok na ito, ‘Lumipat ka roon mula rito,’ at ito ay lilipat. At sa inyo ay walang anumang hindi mangyayari.