Mustaa puuta
| Secondary Keywords | Background beses mustasa puno Raamattu |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Lucas 13:18-19 Marcos 4:30-34 Matthew 13:31-32 |
Luke 1318 Kaya sinabi niya, “Ano ang katulad ng paghahari ng Diyos at sa ano ko ito ihahambing?19 Ito ay katulad ng isang butil ng mustasa na kinuha ng isang tao at inihagis sa kaniyang halamanan. Ito ay tumubo at naging isang malaking punongkahoy at ang mga ibon sa himpapawid ay namugad sa mga sanga nito.” Mark 430 At sinabi niya, “Sa ano natin maihahalintulad ang paghahari ng Diyos o sa aling talinghaga natin ito maihahambing?31 Ito ay katulad ng butil ng mustasa na kapag maitanim sa lupa, ito ay mas maliit kaysa sa lahat ng mga binhi na nasa lupa.32 Ngunit kapag ito ay maihasik, ito ay tutubo at nagiging higit na malaki sa lahat ng mga halaman, at nagkakaroon ito ng malalaking mga sanga upang ang mga ibon sa himpapawid ay makakasilong sa lilim nito.”33 Nangaral siya sa kanila ng salita sa pamamagitan ng maraming talinghagang katulad nito, ayon sa kakayahan nilang makinig.34 At hindi siya nangaral sa kanila maliban sa mga talinghaga. Ngunit kapag siya at ang kaniyang mga alagad na lamang, ipinapaliwanag niya ang lahat. Matthew 1331 Isa pang talinghaga ang isinalaysay niya sa kanila na sinasabi, “Ang paghahari ng langit ay katulad ng isang butil ng mustasa na kinuha ng isang lalaki at inihasik sa kaniyang bukirin.32 Talagang ito ay mas maliit sa lahat ng mga binhi. Ngunit kapag ito ay mapatubo, mas malaki ito sa mga halaman at nagiging punongkahoy kung kaya ang mga ibon sa himpapawid ay dumarating at mamumugad sa mga sanga nito.” | |








