Vastuu Jumalasta
| Secondary Keywords | alak ani Diyos Jesus masama pananagutan prutas talinghaga ubasan |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Luke 209 At siya ay nagsimula upang sabihin sa mga tao ang talinghagang ito. “Ang isang lalaking ito ay nagtanim ng ubasan at kaniyang ipinaupahan ito sa mga magsasaka, at siya ay pumunta sa ibang bansa sa mahabang panahon. 10 At sa takdang panahon ay isinugo niya ang isang alipin sa mga magsasaka upang ang bunga ng ubasan ay maibigay sa kaniya, ngunit pagkahagupit sa kaniya ng mga magsasaka, siya ay pinaalis na walang dala. 11 At siya ay nagsugo muli ng iba pang alipin, ngunit ang isang iyon ay hinagupit din nila at pagkatapos siyang ipahiya, siya ay pinaalis na walang dala. 12 At muli niyang isinugo ang pangatlo, ngunit pagkatapos nilang sugatan ang isang ito, siya ay itinaboy palabas. 13 “Kaya sinabi ng panginoon ng ubasan, ‘Ano ang maari kong gawin? Susuguin ko ang minamahal kong anak na lalaki. Marahil siya ay kanilang igagalang kapag siya ay kanilang makita.’ 14 Ngunit nang siya ay nakita ng mga magsasaka, sila ay nagbigay-katuwiran sa kanilang mga sarili na sinasabi, ‘Ito ang tagapagmana. Halikayo, papatayin natin siya upang mapasaatin ang mana.’ 15 At nang siya ay kanilang naitaboy palabas sa ubasan, siya ay kanilang pinatay. Kaya ano ang gagawin sa kanila ng panginoon ng ubasan? 16 Siya ay darating at papatayin ang mga magsasakang ito at ibibigay ang ubasan sa iba.” At nang narinig nila ito ay kanilang sinabi, “Huwag nawang mangyari.” 17 At sila ay kaniyang tiningnan at sinabi, “Ano nga itong nasusulat, ‘Ang batong ito na tinanggihan ng mga tagapagtayo, ito ay naging ulo ng panulok’? Awi 118:22 18 Ang bawat isang babagsak sa batong iyon ay magkakapira-piraso, ngunit ang sinumang mabagsakan nito ay magkakadurug-durog.” Mark 121 At si Jesus ay nagsimulang magsabi sa kanila ng mga talinghaga, “Isang lalaki ang nagtanim sa ubasan, at siya ay naglagay ng bakod sa palibot at naghukay ng pisaan ng ubas sa ilalim at nagtayo ng tore, at ipinaupahan ito sa mga magsasaka, at siya ay naglakbay patungo sa malayong lugar. 2 At sa takdang panahon, siya ay nagsugo ng alipin sa mga magsasaka upang siya ay makakuha mula sa bunga ng ubasan. 3 Ngunit pagkasunggab nila sa alipin, siya ay hinagupit nila at pinauwing walang dala. 4 At siya ay muling nagsugo sa kanila ng ibang alipin, at siya ay pinagbabato at hinampas nila ang kaniyang ulo at siya ay pinauwi pagkatapos siyang alipustain. 5 At siya ay muling nagsugo ng iba ngunit iyon ay kanilang pinatay. At nagsugo siya ng marami pang iba, ang ilan ay pinaghahagupit nga at ang ilan ay pinagpapatay. 6 Dahil sa mayroon pa siyang anak na lalaki na kaniyang minamahal, sa huli, siya rin ay kaniyang isinugo sa kanila, na sinasabi, ‘Igagalang nila ang aking anak.’ 7 Subalit ang mga magsasakang iyon ay nagsabi sa isa't isa, ‘Ito ang tagapagmana. Halikayo, patayin natin siya at ang mana ay mapasaatin.’ 8 Pagkasunggab nila sa kaniya, siya ay pinatay nila at itinapon sa labas ng ubasan. 9 “Ano nga ba ang gagawin ng panginoon ng ubasan? Pupuntahan niya at pupuksain ang mga magsasaka at ibibigay niya ang ubasan sa iba. 10 Hindi ba ninyo nabasa ang Kasulatang ito? ‘Ang bato na itinakwil ng mga tagapagtayo, ito ang naging ulo ng panulok. 11 Ito ay ginawa mismo ng Panginoon at ito ay kamangha-mangha sa ating mga mata.’ ” Awi 118:22-23 12 At sila ay humanap ng pagkakataon upang dakpin siya, ngunit sila ay natakot sa napakaraming tao sapagkat alam nila na ang talinghagang sinabi niya ay laban sa kanila, kaya sa kanilang pag-alis, iniwan nila si Jesus. Matthew 201 “Sapagkat ang paghahari ng langit ay katulad sa isang tao na may-ari ng sambahayan, na lumabas nang maagang-maaga upang umupa ng mga manggagawa para sa kaniyang ubasan. 2 At pagkatapos niyang nakipagkasundo sa mga manggagawa na isang denaryo° sa isang araw, sila ay isinugo niya sa kaniyang ubasan. 3 At nang siya ay lumabas bandang ikatlong oras, nakita niya ang iba na nakatayo sa pamilihang na walang ginagawa. 4 At sinabi niya sa kanila, ‘Kayo ay pumunta rin sa ubasan at kung anuman ang nararapat ay ibibigay ko sa inyo’ at sila ay pumunta. 5 Siya ay muling lumabas bandang ikaanim at ikasiyam na oras, gayundin ang kaniyang ginawa. 6 At nang bandang ikalabing-isang oras, siya ay lumabas at natagpuan niya ang iba na nakatayo na walang ginagawa. Kaya sinabi niya sa kanila, ‘Bakit nakatayo kayo rito sa buong maghapon na walang ginagawa?’ 7 Sinabi nila sa kaniya, ‘Dahil walang sinumang umupa sa amin.’ Sinabi niya sa kanila, ‘Kayo ay pumunta rin sa ubasan at kung anuman ang nararapat ay iyon ang inyong tatanggapin.’ 8 “Sa pagsapit ng takipsilim, sinabi ng panginoon ng ubasan sa kaniyang katiwala, ‘Tawagin mo ang mga manggagawa at ibigay mo sa kanila ang kanilang upa, simula sa mga nahuli hanggang sa mga nauna.’ 9 At silang nasa bandang ikalabing isang oras ay dumating, bawat isa ay tumanggap ng isang denaryo. 10 Nang lumapit ang mga nauna, inakala nilang sila ay tatanggap ng higit pa ngunit sila ay tumanggap din ng tig-iisang denaryo. 11 Kaya nang natanggap nila ito, sila ay nagbulung-bulungan laban sa may-ari ng sambahayan 12 na sinabi, ‘Itong mga nahuli ay isang oras lamang gumawa, ngunit sila ay ginawa mong kapantay sa amin na nagbata ng hirap at init ng maghapon.’ 13 Ngunit siya ay sumagot at sinabi sa isa sa kanila, ‘Kaibigan, wala akong ginawang mali sa iyo. Hindi nga ba nakipagkasundo ka sa akin ng isang denaryo? 14 Kunin mo ang para sa iyo at umalis ka na sapagkat ninanais kong ibigay sa nahuling ito ang katulad din ng sa iyo. 15 Hindi ba nararapat sa akin na gawin ang ninanais ko sa anumang akin? Masama ba ang paningin mo dahil ako ay mabuti?’ 16 Kaya ang mga huli ay magiging una at ang mga una ay mahuhuli sapagkat marami ang mga tinawag, ngunit kakaunti ang mga pinili.” Matthew 2133 “Pakinggan ninyo ang isa pang talinghaga. May isang lalaking nagmamay-ari ng sambahayan na nagtanim ng ubasan at siya ay naglagay ng bakod sa palibot, at naghukay ng pisaan ng ubas, at nagtayo ng tore, at ipinaupahan ito sa mga magsasaka, at siya ay naglakbay. 34 At nang papalapit na ang panahon ng pamumunga, isinugo niya ang kaniyang mga alipin sa mga magsasaka upang kunin ang mga bunga nito. 35 Ngunit kinuha ng mga magsasaka ang kaniyang mga alipin at hinagupit nga nila ang iba at pinatay nila ang iba at pinagbabato nila ang iba. 36 Muli, siya ay nagsugo ng ibang alipin na higit na marami kaysa sa mga nauna at gayundin ang ginawa nila sa kanila. 37 Ngunit sa kahuli-hulihan, isinugo niya sa kanila ang kaniyang anak na lalaki na sinasabi, ‘Igagalang nila ang aking anak.’ 38 Ngunit nang nakita ng mga magsasaka ang kaniyang anak, sinabi nila sa isa't isa, ‘Ito ang tagapagmana. Halikayo, patayin natin siya at angkin natin ang kaniyang mana.’ 39 Kaya siya ay kinuha nila at dinala sa labas ng ubasan at pinatay. 40 “Kapag bumalik nga ang panginoon ng ubasan, ano ang kaniyang gagawin sa mga magsasakang iyon?” 41 Sinabi nila sa kaniya, “Walang awa niyang pupuksain ang masasamang taong iyon at ang ubasan ay papaupahan niya sa ibang mga magsasaka na magbibigay sa kaniya ng mga bunga sa kanilang panahon.” 42 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Hindi pa ba ninyo nabasa sa Kasulatan, ‘Ang batong itinakwil ng mga tagapagpatayo ang siya ring naging ulo ng panulok. Ito ay gawa ng Panginoon at ito ay kamangha-mangha sa ating mga paningin’? Awi 118:22-23 43 “Dahil dito ay sinasabi ko sa inyo, ang paghahari ng Diyos ay aalisin sa inyo at ibibigay sa bansang nagbibigay ng kaniyang mga bunga. 44 Ang sinumang babagsak sa batong ito ay magkakapira-piraso, ngunit ang sinumang mabagsakan nito ay magkakadurug-durog.” 45 Nang narinig ng mga punong saserdote at ng mga Fariseo ang kaniyang mga talinghaga, kanilang naunawaan na sinasabi niya ito patungkol sa kanila. 46 At bagaman sila ay naghahanap ng pagkakataon upang siya ay dakpin, sila ay natakot sa napakaraming tao sapagkat siya ay tinanggap nila bilang propeta. |