Na nilalang: Eagle
| Secondary Keywords | agila buhay mata mga pakpak nilalang profetia trono kuwarto |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Revelation 4:4-11 |
Revelation 44 Sa palibot ng trono ay ang dalawampu't apat na luklukan at sa mga luklukan ay nakita ko ang dalawampu't apat na matatanda na nakaupo, na nakasuot ng mapuputing mga damit at mayroong mga putong na ginto sa kanilang mga ulo.5 At mula sa trono ay lumalabas ang mga kidlat at ang mga kulog at ang mga tinig. At may pitong ilawan ng apoy na nagniningas sa harapan ng trono. Sila ay ang pitong Espiritu ng Diyos.6 At sa harapan ng trono ay ang isang dagat ng salamin na katulad ng kristal, at sa gitna ng trono at sa palibot ng trono ay may apat na buhay na nilalang na puno ng mga mata sa harapan at sa likuran.7 At ang unang buhay na nilalang ay katulad sa isang leon at ang ikalawang buhay na nilalang ay katulad sa isang guya at ang ikatlong buhay na nilalang ay mayroong mukha na katulad sa isang tao at ang ikaapat na buhay na nilalang ay katulad sa isang agilang lumilipad.8 At ang apat na buhay na nilalang, bawat isa sa kanila, ay may anim na pakpak, sila ay puno ng mga mata sa palibot at sa loob at walang tigil araw at gabi sa pagsasabi, “Banal, banal, banal, Panginoon, Makapangyarihang Diyos. Siya ang nakaraan at siya ang kasalukuyan at siya ang darating.”9 At sa tuwing ang mga buhay na nilalang ay magbibigay ng kaluwalhatian at karangalan at pasasalamat sa kaniya na nakaupo sa trono na siyang nabubuhay magpakailan pa man,10 ang dalawampu't apat na matatanda ay magpapatirapa sa harapan niyaong nakaupo sa trono at kanilang sinasamba yaong nabubuhay magpakailan pa man. Inilalagay nila ang kanilang mga putong sa harapan ng trono, na sinasabi,11 “O, Panginoon, ikaw ay karapat-dapat na tumanggap ng kaluwalhatian at ng karangalan at ng kapangyarihan sapagkat nilikha mo ang lahat ng mga bagay at sa pamamagitan ng iyong kalooban, sila ay naroroon at sila ay nalikha.” | |








