43 At pagkatapos ng mga araw ng kapistahan, sa kanilang pag-uwi ang batang si Jesus ay nagpaiwan sa Jerusalem at ito ay hindi nalaman ni Jose at ng kaniyang ina.44 At dahil sa pag-aakalang siya ay kasama sa paglalakbay, sila ay naglakbay pa ng isang araw at siya ay kanilang hinanap sa mga kamag-anakan at sa mga kakilala.45 Ngunit nang siya ay hindi nila natagpuan, sila ay bumalik sa Jerusalem at siya ay hinanap nila.46 At nangyari, pagkalipas ng tatlong araw, siya ay natagpuan nila sa templo na nakaupo sa kalagitnaan ng mga guro na nakikinig at nagtatanong sa kanila.