Nativaatio
| Avainsanat | kapanganakan sabsaban |
|---|---|
| Secondary Keywords | buhay Jeesus Jeesus maaga Ministeriö pahimakas panganganak pastol Uusi uusi uusi |
| Mga Banal na Kasulatan | Lucas 2:8-20 |
Luke 28 Sa lupain ding iyon ay may mga pastol ng tupa na nananatili sa parang at sa gabi ay nagbabantay sa kanilang kawan.9 Narito, tumayo sa tabi nila ang isang anghel ng Panginoon at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay nagliwanag sa palibot nila, kaya sila ay labis na natakot.10 At sinabi ng anghel sa kanila, “Huwag kayong matakot. Narito, ipinapahayag ko sa inyo ang ebanghelyo ng malaking kagalakan na darating sa lahat ng tao11 sapagkat sa araw na ito sa lungsod ni David ay ipinanganak sa inyo ang isang Tagapagligtas, na siya ang Cristo, ang Panginoon.12 At ito ang palatandaan sa inyo, matatagpuan ninyo ang sanggol na nakabalot na ng mahabang tela, na nakahiga sa sabsaban.”13 At biglang lumitaw kasama ng anghel ang napakaraming makalangit na hukbo na nagpupuri sa Diyos, na sinabi,14 “Kaluwalhatian sa Diyos sa kataas-taasan, at kapayapaan sa lupa, kaluguran para sa mga tao!”15 At nangyari, nang sila ay iniwan ng mga anghel patungo sa langit, ang mga lalaking pastol ng tupa ay nagsabi sa isa't isa, “Kailangang makapunta tayo hanggang sa Bethlehem at matingnan natin itong pahayag na nangyari, na ipinaalam sa atin ng Panginoon.”16 At sila ay nagmadaling pumaroon at kanilang natagpuan si Maria at si Jose, at ang sanggol na nakahiga sa sabsaban.17 At nang ito ay kanilang nakita, kanilang ipinamalita ang sinabi sa kanila patungkol sa sanggol na ito.18 At ang lahat ng mga nakarinig nito ay namangha sa mga sinabi sa kanila ng mga pastol ng tupa.19 Ngunit iningatan ni Maria ang lahat ng mga salitang ito at pinagbubulay-bulayan sa kaniyang puso.20 At ang mga pastol ng tupa ay bumalik na niluluwalhati at pinupuri ang Diyos sa lahat ng mga bagay na kanilang narinig at nakita ayon sa sinabi sa kanila. | |








