13 At narito, nang araw ring iyon ay pumunta ang dalawa sa kanila sa isang nayon na tinatawag na Emaus, na ang layo mula sa Jerusalem ay animnapung estadya°.14 At sila ay nag-uusap sa isa't isa patungkol sa lahat ng mga bagay na ito na nangyari.15 At nangyari na habang sila ay nag-uusap at nagtatalo, si Jesus din mismo ay lumapit at sumama sa kanila.