23 At pagkasakay niya sa bangka, sumunod sa kaniya ang kaniyang mga alagad.24 At narito, nagkaroon ng isang malakas na bagyo sa dagat kung kaya ang bangka ay naaapawan ng malalakas na alon ngunit si Jesus ay natutulog.25 Kaya lumapit sa kaniya ang kaniyang mga alagad at ginising siya na nagsasabi, “Panginoon, iligtas mo kami, kami ay napapahamak.”26 Ngunit sinabi ni Jesus sa kanila, “Bakit kayo natatakot, O kayong maliit ang pananampalataya?” At pagkabangon niya ay kaniyang sinaway ang mga hangin at ang dagat at nagkaroon ng lubos na kapayapaan.27 Kaya ang mga tao ay namangha na nagsasabi, “Anong uri ng tao ito na kahit ang mga hangin at ang dagat ay sumusunod sa kaniya?”