32 Sila ay dumating sa lugar na ang pangalan ay Getsemane at sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad, “Umupo kayo rito habang ako ay nananalangin.”33 At isinama niya sina Pedro, Santiago at Juan, at nagsimula siyang labis na mangamba at labis na mabagabag.34 At sinabi ni Jesus sa kanila, “Ang kaluluwa ko ay lubhang nagdadalamhati hanggang sa kamatayan. Manatili kayo rito at magbantay kayo.”35 Nang siya ay nakalayo nang kaunti, siya ay nagpatirapa sa lupa at nanalangin na kung maaari ay lumagpas sa kaniya ang oras na ito.36 Sinabi niya, “Abba, Ama, ang lahat ng mga bagay ay magagawa mo, ilayo mo sa akin ang sarong ito, gayunpaman, hindi kung ano ang ninanais ko kundi kung ano ang kalooban mo.”37 At pinuntahan niya ang mga alagad at natagpuan silang natutulog, at sinabi niya kay Pedro, “Simon, natutulog ka? Hindi mo ba kayang magbantay nang isang oras?38 Magbantay kayo at manalangin upang hindi kayo pumasok sa tukso. Ang espiritu nga ay nagnanais ngunit ang laman ay mahina.”39 At nang siya ay muling umalis, siya ay nanalangin na sinasabi ang gayunding salita.40 At sa kaniyang pagbalik, sila ay muli niyang natagpuang natutulog sapagkat mabigat na ang kanilang mga mata, at hindi nila alam kung ano ang kanilang isasagot sa kaniya.41 At siya ay pumunta sa ikatlong pagkakataon at sinabi sa kanila, “Natutulog pa ba kayo at nagpapahinga? Sapat na iyan. Ang oras ay dumating na. Narito, ang Anak ng Tao ay ipinagkakanulo sa mga kamay ng mga makasalanan.42 Bumangon na kayo, aalis na tayo. Narito, siya na nagkakanulo sa akin ay malapit na.”
Matthew 26
36 Then Jesus went with them to a place called Gethsemane, and he said to his disciples, “Sit here, while I go over there and pray.”37 And taking with him Peter and the two sons of Zebedee, he began to be sorrowful and troubled.38 Then he said to them, “My soul is very sorrowful, even to death; remain here, and watch with me.”39 And going a little farther he fell on his face and prayed, saying, “My Father, if it be possible, let this cup pass from me; nevertheless, not as I will, but as you will.”