18 Dahil si Cristo rin ay minsang nagdusa dahil sa mga kasalanan, ang matuwid alang-alang sa mga hindi matuwid, upang tayo ay madala niya sa Diyos. Siya ay totoong pinatay sa laman ngunit binuhay sa pamamagitan ng Espiritu.19 Sa pamamagitan din nito, siya ay pumunta at nangaral sa mga espiritung nasa bilangguan20 na noon ay mga masuwayin, nang ang Diyos ay minsang matiyagang naghintay sa mga araw ni Noe habang ginagawa ang daong, kung saan ang ilang iyon na walong kaluluwa, ay naligtas sa pamamagitan ng tubig21 na larawang kahalintulad din sa atin na ang bawtismo ngayon ay nagliligtas (hindi ang pag-alis ng karumihan ng laman kundi ang tugon ng mabuting budhi sa Diyos) sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Jesu-Cristo.22 Siya ay nasa bahaging kanan ng Diyos nang siya ay umakyat sa langit, at ipinasakop sa kaniya ang mga anghel at ang mga kapamahalaan at ang mga kapangyarihan.