4 At si Jose ay umahon din buhat sa Galilea, mula sa lungsod ng Nazaret patungo sa Judea, sa lungsod ni David na tinatawag na Bethlehem dahil siya ay kabilang sa sambahayan at angkan ni David,5 upang magpatalang kasama si Maria, na ipinagkasundong mapangasawa niya, na nasa kabuwanan na noon.6 At nangyari, na habang sila ay naroroon, sumapit ang araw ng kaniyang panganganak.7 At isinilang niya ang kaniyang panganay na anak na lalaki at siya ay binalot ng mahabang tela at inihiga niya sa sabsaban sapagkat wala ng lugar para sa kanila sa bahay-tuluyan.