12 At sinabi niya sa kaniya, ‘Kaibigan, papaano ka nakapasok dito na hindi nakasuot ng damit para sa kasalan?’ Ngunit siya ay nanahimik.13 Kaya sinabi ng hari sa mga tagapaglingkod, ‘Igapos ninyo ang kaniyang mga paa at mga kamay at siya ay dalhin ninyo at itapon sa kadilimang nasa labas. Doon ay magkakaroon ng pananangis at pagngangalit ng mga ngipin.’