7 Sa pamamagitan ng pananampalataya, si Noe, na binigyang babala ng Diyos patungkol sa mga bagay na hindi pa nakikita, ay may banal na pagkatakot na gumawa ng isang arka para sa kaligtasan ng kaniyang sambahayan. Sa pamamagitan nito ay hinatulan niya ang sanlibutan at siya ay naging tagapagmana ng katuwirang ayon sa pananampalataya.