Ei mitään salattavaa
| Secondary Keywords | aba itago Jeesus Jeesus kuulusteltu pahimakas Pasko ng Pagkabuhay Sanedrin Särkynyt silakbo ng damdamin Uusi uusi uusi |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Juan 18:24 Lucas 22:66-71 Marcos 14:53-65 Matthew 26:57-68 |
John 1824 Kaya iniutos ni Anas na nakagapos siyang dalhin kay Caifas na pinakapunong saserdote. Luke 2266 At nang umaga na, nagkatipon ang matatanda ng bayan, ang mga punong saserdote, gayundin ang mga eskriba, at si Jesus ay dinala nila sa kanilang Sanhedrin, na sinasabi,67 “Kung ikaw ang Cristo, sabihin mo sa amin.” Ngunit sinabi niya sa kanila, “Kapag sasabihin ko sa inyo, kailanman ay hindi kayo maniniwala.68 At kapag ako rin ay magtatanong sa inyo, hindi ninyo ako sasagutin, ni palalayain.69 Simula ngayon, ang Anak ng Tao ay uupo sa kanan ng kapangyarihan ng Diyos.”70 At ang lahat ay nagsabi, “Ikaw nga ba ang Anak ng Diyos?” Ngunit sinabi niya sa kanila, “Kayo ang nagsasabi na ako nga.”71 Kaya sinabi nila, “Ano pang patotoo ang kailangan natin, sapagkat tayo na mismo ang nakarinig mula sa kaniyang bibig?” Mark 1453 Dinala nila si Jesus sa pinakapunong saserdote, at ang lahat ng mga punong saserdote at ang matatanda at ang mga eskriba ay nagtipon sa kaniya.54 Si Pedro ay sumunod sa kaniya mula sa malayo hanggang sa loob ng bulwagan ng pinakapunong saserdote. At siya ay umupong kasama ng mga opisyal at nagpapainit ng sarili malapit sa apoy.55 Ang mga punong saserdote at ang buong Sanhedrin ay naghanap ng saksi laban kay Jesus upang maipapatay nila si Jesus ngunit wala silang natagpuan56 sapagkat marami ang nagpatotoo ng kasinungalingan laban sa kaniya, ngunit ang kanilang mga patotoo ay hindi magkakatugma.57 At nang tumayo ang ilan, sila ay nagpatotoo ng kasinungalingan laban sa kaniya na sinasabi,58 “Narinig namin siyang nagsasabi, ‘Gigibain ko ang banal na dako ng templong ito na gawa ng mga kamay, at sa loob ng tatlong araw ay magtatayo ako ng iba na hindi gawa ng mga kamay.’ ”59 Gayunpaman, kahit ang patotoo nilang ito ay hindi magkakatugma.60 At nang tumayo ang pinakapunong saserdote sa kalagitnaan, tinanong niya si Jesus, na sinasabi, “Wala kang isinasagot na anuman. Ano itong mga ipinaparatang laban sa iyo?”61 Ngunit siya ay nanahimik at walang isinagot. Muli siyang tinanong ng pinakapunong saserdote at sinabi sa kaniya, “Ikaw ba ang Cristo, ang Anak ng Pinagpala?”62 At sinabi ni Jesus, “Ako nga. At makikita ninyo ang Anak ng Tao na nakaupo mula sa bahaging kanan ng Makapangyarihan at dumarating sa mga ulap ng langit.”63 Kaya pinunit ng pinakapunong saserdote ang kaniyang mga tunika at sinasabi, “Ano pa ang pangangailangan natin ng mga saksi?64 Narinig ninyo ang kaniyang paglapastangan! Ano ito sa palagay ninyo?” Kaya ang lahat ay humatol sa kaniya na siya ay nararapat sa kamatayan.65 At sinimulan ng ilan na siya ay duraan, takpan ang kaniyang mukha, suntukin siya at sinabi sa kaniya, “Hulaan mo!” At siya ay pinagsasampal ng mga opisyal. Matthew 2657 Dinala si Jesus ng mga dumakip sa kaniya kay Caifas na pinakapunong saserdote kung saan nagkatipon ang mga eskriba at ang matatanda.58 Ngunit si Pedro ay sumunod sa kaniya mula sa malayo hanggang sa bulwagan ng pinakapunong saserdote. At siya ay pumasok at naupong kasama ng mga opisyal upang makita ang magaganap.59 Subalit ang mga punong saserdote at ang matatanda at ang buong Sanhedrin ay naghanap ng huwad na saksi laban kay Jesus upang siya ay kanilang maipapatay,60 ngunit sila ay walang natagpuan. At bagaman maraming huwad na saksi ang lumapit, sila ay walang nasumpungan. Ngunit sa huli ay lumapit ang dalawang huwad na saksi61 at nagsabi, “Sinabi ng lalaking ito, ‘Kaya kong wasakin ang banal na dako ng templo ng Diyos at ito ay itatayo ko sa loob ng tatlong araw.’ ”62 Kaya tumayo ang pinakapunong saserdote at sinabi sa kaniya, “Wala ka bang isasagot? Ano ang mga ito na ipinaparatang laban sa iyo?”63 Ngunit si Jesus ay nanahimik. At sumagot ang pinakapunong saserdote at sinabi sa kaniya, “Inuutusan kita sa pamamagitan ng Diyos na buhay na sabihin mo sa amin kung ikaw ang Cristo, ang Anak ng Diyos?”64 Sinabi ni Jesus sa kaniya, “Ikaw ang nagsabi. Gayunpaman ay sinasabi ko sa iyo, mula ngayon ay makikita mo ang Anak ng Tao na nakaupo sa bahaging kanan ng Makapangyarihan at dumarating na nasa mga ulap ng langit.”65 Kaya pinunit ng pinakapunong saserdote ang kaniyang damit, na sinasabi, “Siya ay naglapastangan. Ano pang mga patotoo ang kailangan natin? Narito, ngayon ay narinig ninyo ang kaniyang paglapastangan.66 Ano ang sa palagay ninyo?” Sila ay sumagot at sinabi, “Siya ay nararapat sa kamatayan!”67 Pagkatapos ay kanilang dinuraan sa mukha si Jesus at siya ay kanilang sinuntok, at siya ay sinampal ng iba,68 na sinasabi, “Ihayag mo sa amin, Cristo! Sino ang sumuntok sa iyo?” | |








