33 Ipagbili ninyo ang inyong mga tinatangkilik at magbahagi kayo sa mga nangangailangan. Maglaan kayo ng mga lalagyan ng salapi na hindi naluluma, ng kayamanan na hindi nauubos sa langit kung saan ay walang makakalapit na magnanakaw o tanga na sumisira34 sapagkat kung saan naroroon ang inyong kayamanan ay naroroon din ang inyong puso.
Luke 6
38 Magbigay kayo at ito ay ibibigay sa inyo, tamang sukat, siniksik, niliglig at umaapaw ang ibibigay para sa inyong piling sapagkat sa gayunding sukat na inyong ipinangsusukat ay siya ring ipangsusukat sa inyo.”
Matthew 6
21 Ito ay sapagkat kung saan naroroon ang inyong kayamanan ay magiging doon din ang inyong puso.
Proverbs 15
16 Maigi ang kaunti na may pagkatakot sa Panginoon, kay sa malaking kayamanan na may kabagabagan.