11 At nangyari, na habang si Jesus ay umaahon patungong Jerusalem, siya ay dumaan din sa gitna ng Samaria at Galilea,12 at habang siya ay pumapasok sa isang nayon, siya ay sinalubong ng sampung lalaking ketongin na nakatayo sa malayo.13 At sila ay sumigaw na sinasabi, “Jesus, Guro, kahabagan mo kami.”14 At nang ito ay nakita ni Jesus, sinabi niya sa kanila, “Humayo kayo at ipakita ninyo ang inyong sarili sa mga saserdote.” At nangyari na habang sila ay humahayo, sila ay nalinis.15 Ngunit nang nakita ng isa sa kanila na siya ay gumaling, siya ay bumalik na niluluwalhati ang Diyos sa pamamagitan ng malakas na tinig.16 At siya ay nagpatirapa sa harapan malapit sa paanan ni Jesus na nagpapasalamat sa kaniya at ang lalaking ito ay Samaritano.17 At sumagot si Jesus na sinabi, “Hindi ba sampu ang nalinis? Ngunit nasaan ang siyam?