12 sapagkat ang salita ng Diyos ay buhay at makapangyarihan at higit na matalas kaysa sa anumang tabak na may dalawang talim at tumatagos hanggang sa pagkahiwalay ng kaluluwa at ng espiritu at ng kasukasuan at ng utak ng buto at nakakatalos ng mga pag-iisip at ng mga hangarin ng puso.13 At walang nilikha ang hindi hayag sa kaniyang paningin, ngunit ang lahat ng mga bagay ay hubad at walang takip sa paningin niya na sa kaniya ay magbibigay-sulit tayo.