17 sapagkat ako ay hindi isinugo ni Cristo upang magbawtismo kundi upang ipangaral ang ebanghelyo, hindi sa pamamagitan ng karunungan ng salita upang hindi mawalan ng halaga ang krus ni Cristo.18 Sapagkat ang salita patungkol sa krus ay kamangmangan nga sa kanila na mga napahamak, ngunit sa atin na mga ligtas, ito ay kapangyarihan ng Diyos
Luke 9
23 At sinabi niya sa kanilang lahat, “Kung ibig ng sinuman na ako ay sundan, tanggihan niya ang kaniyang sarili at pasanin niya ang kaniyang krus araw-araw at siya ay sumunod sa akin,
Mark 10
21 Ngunit nang si Jesus ay tumingin sa kaniya, siya ay inibig niya at sinabi sa kaniya, “Isang bagay ang kulang sa iyo. Humayo ka at ipagbili mo ang lahat mong tinatangkilik at ibigay mo ang salapi sa mga dukha at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos pumarito ka at sumunod ka sa akin na pinapasan ang krus.”