Pablo (Saul) ay nagbabala tungkol sa isang eksena sa kanyang buhay at makatulong sa kanya ng ilang kapwa mananampalataya na makatakas sa isang basket sa panahon ng gabi.
23 Nang makalipas ang maraming araw, sumangguni sa isa't isa ang mga Judio upang siya ay ipapatay.24 Ngunit nalaman ni Saulo ang kanilang balak, kaya sa araw at sa gabi ay binabantayan nila ang mga tarangkahan upang siya ay maipapatay.25 Gayunpaman, kinuha siya sa gabi ng mga alagad at siya ay ibinaba nila sa kabilang pader. Ibinaba siya sa pamamagitan ng isang tiklis.26 At nang dumating si Saulo sa Jerusalem, pinagsikapan niyang sumama sa mga alagad subalit silang lahat ay natakot sa kaniya dahil sila ay hindi naniniwalang siya ay isang alagad.27 Ngunit nang nakuha siya ni Bernabe, siya ay dinala sa mga apostol at kaniyang isinalaysay sa kanila kung paano niya nakilala ang Panginoon sa daan at siya ay nagsalita sa kaniya, at kung paanong sa Damasco ay nangaral siya na may katapangan sa pangalan ni Jesus.28 At siya ay kasa-kasama nila sa pagpasok at sa paglabas sa Jerusalem,29 at siya ay nangangaral na may katapangan sa pangalan ng Panginoong Jesus, na nagsasalita at nakikipagtalo sa mga Helenista kaya siya ay pinagsisikapan nilang patayin.30 Ngunit nang ito ay nalaman ng mga kapatid, siya ay dinala nila pababa sa Cesarea at siya ay pinapunta nila sa Tarso.31 Kaya nga sa panahong iyon, ang mga iglesiya sa buong Judea, Galilea at Samaria ay nagkaroon ng kapayapaan, tumitibay at nagpapatuloy na may takot sa Panginoon at sa kaaliwan ng Banal na Espiritu at dumarami.