Pablo sa Mars Hill
| Secondary Keywords | Atenas konseho pangaralan Paul |
|---|---|
| Mga Banal na Kasulatan | Gawa 17:16-34 |
Acts 1716 Subalit habang hinihintay ni Pablo sina Silas at Timoteo sa Atenas, siya ay nababagabag sa kaniyang espiritu dahil sa nakikita niya ang lungsod na punung-puno ng mga diyos-diyosan.17 Kaya nga, siya ay nakipagpaliwanagan sa mga Judio sa sinagoga at sa mga sumasamba sa Diyos, gayundin sa sinumang nakakatagpo niya sa pamilihan araw-araw.18 At ang ilan sa mga pilosopong Epicureo at mga Estoico ay nakipagtalo sa kaniya. At ang ilan ay nagsasabi, “Ano ang ibig sabihin ng matabil na ito?” Ngunit ang iba ay nagsabi, “Para siyang tagapangaral ng mga kakaibang diyos” sapagkat ipinangangaral niya sa kanila ang ebanghelyo ni Jesus at ang muling pagkabuhay.19 At sila na kumuha at nagdala sa kaniya sa Burol ng Areo ay nagsasabi, “Maaari ba naming malaman kung ano itong bagong katuruan na sinasabi mo?20 Sapagkat ikaw ay nagdadala ng kakaibang mga bagay sa aming mga pandinig kaya ninanais naming malaman kung ano ang kahulugan ng mga bagay na ito.”21 Ang lahat na mga taga-Atenas at ang mga nakikipamayan doon ay walang ibang pinaggugugulan ng panahon kundi ang pagsasalaysay o ang pakikinig ng bagong mga bagay.22 Kaya si Pablo ay tumayo sa gitna ng Burol ng Areo at kaniyang sinabi, “Mga ginoo, mga taga-Atenas, nakikita ko na kayo ay lubhang mapaniwala sa mga diyos sa lahat ng mga bagay23 sapagkat habang ako ay dumadaan at pinagmamasdan ko ang mga bagay na inyong sinasamba, nakita ko rin ang isang dambana kung saan ay nakasulat, SA HINDI NAKIKILALANG DIYOS. Kaya siya nga na inyong sinasamba bagaman siya ay hindi ninyo kilala, siya ang aking ipinangangaral sa inyo.24 Ang Diyos na lumikha ng sanlibutan at ng lahat ng mga naroroon ay hindi nananahan sa mga banal na dako na ginawa sa pamamagitan ng mga kamay, yamang siya ang Panginoon ng langit at ng lupa,25 ni pinaglilingkuran sa pamamagitan ng mga kamay ng mga tao, na siya ay parang nangangailangan ng anumang bagay, dahil siya ang nagbibigay sa lahat ng buhay, ng hininga at ng lahat ng mga bagay.26 Ginawa niya mula sa isang dugo ang lahat ng bansa ng mga tao upang manahan sa ibabaw ng buong lupa na kaniyang tinukoy at itinakda nang una pang kapanahunan at ang mga hangganan ng kanilang pananahanan27 upang hanapin nila ang Panginoon at kanilang masumpungan kung sakaling siya ay hanapin nila. Bagaman siya ay hindi malayo sa bawat isa sa atin28 sapagkat sa pamamagitan niya tayo ay nabubuhay, nakakakilos, at mayroong pagkatao. Gaya rin ng sinabi na ng ilan sa inyong mga makata, ‘Dahil tayo rin naman ay kaniyang mga anak.’29 Dahil dito, yamang tayo ay kabilang sa angkan ng Diyos, hindi natin marapat isipin na ang pagka-Diyos ay katulad sa ginto, sa pilak, o sa bato na inukit ng sining at ng kathang-isip ng tao.30 Kaya nga, ang mga panahon ng kamangmangan na hindi pinansin ng Diyos, ngayon, ay ipinag-uutos niya na ang lahat ng mga tao saanmang dako ay magsisi31 sapagkat siya ay nagtakda ng araw kung kailan niya hahatulan ang sanlibutan ayon sa katuwiran sa pamamagitan ng lalaki na kaniyang itinalaga at sa pamamagitan ng pagbuhay sa kaniya mula sa mga patay, nagbigay siya ng katiyakan sa lahat.”32 Nang narinig nila ang patungkol sa muling pagkabuhay ng mga patay, ang ilan nga ay nangutya at ang iba ay nagsabi, “Pakikinggan ka naming muli patungkol dito.”33 At pagkatapos nito, si Pablo ay umalis mula sa kanilang kalagitnaan.34 Ngunit ang ilang kalalakihan na sumama sa kaniya ay sumampalataya at ang isa sa kanila ay si Dionisio na nakatira sa Burol ng Areo, at isang babae na ang pangalan ay Damaris at ang iba pang kasama nila. | |








