13 sapagkat ang hatol ay walang habag sa kaniya na nagkait ng habag at ang habag ay nananaig laban sa paghatol.
Revelation 14
7 na sinasabi sa pamamagitan ng malakas na tinig, “Matakot kayo sa Diyos at luwalhatiin ninyo siya sapagkat dumating na ang oras ng kaniyang paghuhukom at sambahin ninyo siya, na siyang gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat at ng mga bukal ng mga tubig.”
Revelation 18
10 Dahil sa takot sa kaniyang pagdurusa, sila na nakatayo sa malayo ay nagsasabi, ‘Kaabahan, kaabahan, ang dakilang lungsod ng Babilonia, ang makapangyarihang lungsod! Sapagkat sa loob ng isang oras ay dumating ang iyong kahatulan.’
Revelation 20
4 At nakita ko ang mga luklukan at sila na nakaupo sa mga luklukan, at ang paghatol ay ibinigay sa kanila. At nakita ko ang mga kaluluwa niyaong mga pinugutan ng ulo dahil sa patotoo ni Jesus at dahil sa salita ng Diyos, at sila na mga hindi sumamba sa mabangis na hayop o sa kaniyang larawan, at hindi tumanggap ng kaniyang tatak sa kanilang noo at sa kanilang kamay. At sila ay nabuhay at nagharing kasama ni Cristo sa loob ng isang libong taon.