12 Mga minamahal, huwag ninyong isipin na hindi pangkaraniwan ang matinding pagsubok na dumarating sa inyo upang kayo ay subukin, na parang hindi pangkaraniwan ang nangyayari sa inyo.13 Ngunit magalak kayo yamang kayo ay nakikibahagi sa mga paghihirap ni Cristo upang sa pagkahayag ng kaniyang kaluwalhatian ay magalak din kayo na may lubos na kagalakan.14 Kung kayo ay inaalipusta dahil sa pangalan ni Cristo, pinagpala kayo sapagkat ang Espiritu ng kaluwalhatian at ng Diyos ay nananahan sa inyo, na para sa kanila, si Cristo ay nilalapastangan, ngunit para sa inyo, siya ay niluluwalhati.