1 “Mag-ingat kayo, huwag isagawa ang inyong kawanggawa sa harapan ng mga tao upang makita nila. Sapagkat kung magkagayon, hindi kayo magkakaroon ng gantimpala mula sa inyong Ama na nasa langit.2 Kaya kapag ikaw ay gumagawa ng kawanggawa, huwag mong patunugin ang trumpeta sa iyong unahan katulad ng ginagawa ng mga mapagpaimbabaw sa mga sinagoga at sa mga daan upang sila ay maluwalhati ng mga tao. Katotohanang sinasabi ko sa inyo, tinatanggap na nila ang kanilang gantimpala.3 Ngunit kapag ikaw ay gumagawa ng kawanggawa, hindi dapat malaman ng iyong kaliwang kamay ang anumang ginagawa ng iyong kanang kamay4 upang ang iyong kawanggawa ay maililihim at ang iyong Ama na siyang nakakakita ng lihim ang siyang magbibigay-gantimpala sa iyo nang hayagan.