47 “Muli, ang paghahari ng langit ay katulad sa isang lambat na inihulog sa dagat at nakahuli ng bawat uri ng isda.48 Nang ito ay napuno, ito ay hinila nila sa tabing-dagat at nang sila ay nakaupo, kanilang inipon ang mabubuti sa lalagyan, ngunit ang masasama ay kanilang itinapon.49 Gayundin ang mangyayari sa katapusan ng kapanahunang ito. Ang mga anghel ay darating at ihihiwalay ang masasama mula sa matutuwid50 at kanilang itatapon ang mga ito sa pugon ng apoy. Doon ay magkakaroon ng pananangis at pagngangalit ng mga ngipin.”51 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Naunawaan ba ninyo ang lahat ng mga bagay na ito?” Sinabi nila sa kaniya, “Oo, Panginoon.”52 Kaya sinabi niya sa kanila, “Dahil dito, ang bawat eskriba na naturuan patungkol sa paghahari ng langit ay katulad sa isang taong may-ari ng sambahayan na mula sa kaniyang kayamanan ay naglalabas ng mga bago at mga lumang mga bagay.”53 At nangyari, nang natapos na ni Jesus ang mga talinghagang ito, siya ay umalis mula roon.54 At nang siya ay dumating sa kaniyang sariling bayan, sila ay tinuruan niya sa kanilang sinagoga kaya sila ay nanggilalas at nagsabi, “Saan nanggaling ang karunungang ito at ang mga makapangyarihang gawa ng taong ito?55 Hindi ba ito ang anak ng karpintero? Hindi nga ba ang kaniyang ina ay tinatawag na Maria at ang kaniyang mga kapatid na lalaki ay sina Santiago at Jose at Simon at Judas?56 At hindi nga ba ang kaniyang mga kapatid na babae ay kasama natin? Kung gayon, saan nanggaling ang lahat ng mga bagay na nasa lalaking ito?”57 At siya ay kinatisuran nila. Ngunit sinabi ni Jesus sa kanila, “Ang isang propeta ay hindi walang karangalan maliban sa kaniyang sariling bayan at sa kaniyang sariling sambahayan.”