Patutot
| Avainsanat | hayop Ilmoitus kalapating mababa ang lipad kalapating mababa ang lipad kultaa kultaa lapastangan sa diyos Lohikäärme Nainen nainen pagkasuklam pangalan pitong buhok profetia tasa ulo |
|---|---|
| Secondary Keywords | harap iskarlata marangal pito pula |
| Mga Banal na Kasulatan | Revelation 17 |
Revelation 171 Ang isa sa pitong anghel na may taglay ng pitong mangkok ay lumabas at nagsalita sa akin na sinasabi, “Halika rito at ipapakita ko sa iyo ang hatol sa dakilang patutot na siyang nakaupo sa ibabaw ng maraming tubig,2 na sa kaniya ay nakiapid ang mga hari ng daigdig at ang mga naninirahan sa daigdig ay nalasing sa pamamagitan ng alak ng kaniyang pakikiapid.”3 Kaya ako ay kaniyang dinala patungo sa ilang sa pamamagitan ng Espiritu at nakita ko ang isang babae na nakaupo sa pulang mabangis na hayop na may pitong ulo at sampung sungay na punung-puno ng mga pangalan ng paglapastangan.4 At ang babae ay nakadamit ng kulay ube at pula, at siya ay nagayakan ng ginto at mamahaling bato at mga perlas, at may isang sarong ginto sa kaniyang kamay na punung-puno ng mga bagay na karumal-dumal at ng karumihan ng kaniyang pakikiapid.5 At sa kaniyang noo ay may isang pangalan na nakasulat: HIWAGA, ANG DAKILANG BABILONIA, ANG INA NG MGA PATUTOT AT NG MGA KARUMAL-DUMAL NG DAIGDIG.6 At nakita ko ang babae na nalasing sa pamamagitan ng dugo ng mga banal at sa pamamagitan ng dugo ng mga saksi ni Jesus. At nang siya ay nakita ko, ako ay namangha na may labis na pamamangha.7 At sinabi ng anghel sa akin, “Bakit ka namangha? Sasabihin ko sa iyo ang hiwaga ng babae at ng mabangis na hayop na may pitong ulo at sampung sungay, na siyang nagdadala sa kaniya.8 Ang mabangis na hayop na iyong nakita ay ang nasa nakaraan, at kasalukuyang nawala, at nalalapit nang umahon mula sa walang hanggang kalaliman at papatungo sa kapahamakan. At ang mga taong naninirahan sa daigdig, na ang mga pangalan ay hindi nakasulat sa aklat ng buhay simula pa sa pagkatatag ng sanlibutan, ay mamamangha habang nakikita nila ang mabangis na hayop, na nasa nakaraan, at kasalukuyang nawala, ngunit paparating.9 “Narito ang kaisipan na may karunungan. Ang pitong ulo ay pitong bundok kung saan ang babae ay umuupo sa kanila,10 at sila ay pitong hari: ang lima ay ang mga bumagsak, at ang isa ay nasa kasalukuyan, at isa ay hindi pa dumating, ngunit kapag siya ay dumating, siya ay nararapat na sandaling manatili.11 At ang mabangis na hayop na siyang nasa nakaraan at wala na sa kasalukuyan ay siya ring pangwalo at siya ay mula sa pito at patungo sa kapahamakan.12 “Ang sampung sungay na iyong nakita ay sampung hari na hindi pa tumanggap ng paghahari, ngunit sila ay tumatanggap ng kapamahalaan bilang mga hari ng isang oras kasama ang mabangis na hayop.13 Ang mga haring ito ay may isang kaisipan at ibibigay nila ang kanilang kapangyarihan at kapamahalaan sa mabangis na hayop.14 Sila ay makikipagdigma laban sa Kordero ngunit ang Kordero ang lulupig sa kanila sapagkat siya ang Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga hari, at yaong mga kasama niya ay ang mga tinawag at mga pinili at matatapat.”15 At sinasabi ng anghel sa akin, “Ang mga tubig na iyong nakita kung saan umuupo ang patutot ay mga lahi at mga pangkat at mga bansa at mga wika.16 Ang sampung sungay na iyong nakita sa mabangis na hayop, ang mga ito ang mapopoot sa patutot at gagawin nila siyang wasak at hubad, at kanilang kakainin ang kaniyang mga laman at siya ay kanilang tutupukin ng apoy,17 sapagkat ilalagay ng Diyos sa kanilang mga puso upang gawin ang kaniyang kalooban at upang sila ay gumawa ng isang layunin at ibigay ang kanilang kaharian sa mabangis na hayop hanggang sa maganap ang mga sinabi ng Diyos.18 At ang babae na iyong nakita ay ang dakilang lungsod na siyang mayroong paghahari sa mga hari ng daigdig.” | |








