Tagalog
  •  Afrikaans
  •  Bahasa Indonesia
  •  Bahasa Melayu
  •  Česky
  •  Deutsch
  •  English
  •  Español
  •  Français
  •  Italiano
  •  Magyar
  •  Nederlands
  •  Polski
  •  Português
  •  Română
  •  Shqip
  •  Tiếng Việt
  •  Türkçe
  •  Ελληνικά
  •  Български
  •  русский
  •  Српски / Srpski
  •  Українська
  •  עברית
  •  العربية
  •  فارسی
  •  हिन्दी
  •  ไทย
  •  中文
  •  日本語
  •  粵語
  •  한국어
Valuutta PHP
  • BRL - Real ng Barzil
  • EUR - Euro
  • USD - Dolyar ng US
  • CAD - Dolyar ng Canada
  • MXN - Piso ng Mexico
  • RUB - Russian Ruble
  • RON - Romanian Leu
  • PLN - Polish Zloty
  • SGD - Dolyar ng Singapore
  • CHF - Swiss Franc
  • TRY - Turkish Lira
  • UAH - Ukrainian Hryvnia
  • GBP - British Pound
  • JPY - Japanese Yen
  • AUD - Dolyar ng Australya
  • BGN - Bulgarian Lev
  • CZK - Czech Republic Koruna
  • DKK - Danish Krone
  • HKD - Dolyar ng Hong Kong
  • IDR - Indonesian Rupiah
  • HUF - Hungarian Forint
  • KRW - Won ng Timog Korea
  • MYR - Malaysian Ringgit
  • VND - Vietnamese Dong
  • CNY - Chinese Yuan
  • ARS - Piso ng Argentina
  • ZAR - Rand ng Timog Africa
  • ALL - Albanian Lek
  • RSD - Serbian Dinar
  • ILS - Israeli New Sheqel
  • EGP - Egyptian Pound
  • SAR - Saudi Riyal
  • AED - United Arab Emirates Dirham
  • IRR - Iranian Rial
  • AFN - Afghan Afghani
  • IQD - Iraqi Dinar
  • INR - Indian Rupee
  • PKR - Pakistani Rupee
  • THB - Thai Baht
GoodSalt™
Etsi
Tili
Ostoskori
  • Tili
  • Valolaatikko
  • Sign In
  • Rekisteröidy
GoodSalt™
Ang pinuno ng mundo sa relihiyosong imahe.
Valuutta PHP
  • BRL - Real ng Barzil
  • EUR - Euro
  • USD - Dolyar ng US
  • CAD - Dolyar ng Canada
  • MXN - Piso ng Mexico
  • RUB - Russian Ruble
  • RON - Romanian Leu
  • PLN - Polish Zloty
  • SGD - Dolyar ng Singapore
  • CHF - Swiss Franc
  • TRY - Turkish Lira
  • UAH - Ukrainian Hryvnia
  • GBP - British Pound
  • JPY - Japanese Yen
  • AUD - Dolyar ng Australya
  • BGN - Bulgarian Lev
  • CZK - Czech Republic Koruna
  • DKK - Danish Krone
  • HKD - Dolyar ng Hong Kong
  • IDR - Indonesian Rupiah
  • HUF - Hungarian Forint
  • KRW - Won ng Timog Korea
  • MYR - Malaysian Ringgit
  • VND - Vietnamese Dong
  • CNY - Chinese Yuan
  • ARS - Piso ng Argentina
  • ZAR - Rand ng Timog Africa
  • ALL - Albanian Lek
  • RSD - Serbian Dinar
  • ILS - Israeli New Sheqel
  • EGP - Egyptian Pound
  • SAR - Saudi Riyal
  • AED - United Arab Emirates Dirham
  • IRR - Iranian Rial
  • AFN - Afghan Afghani
  • IQD - Iraqi Dinar
  • INR - Indian Rupee
  • PKR - Pakistani Rupee
  • THB - Thai Baht
  Tagalog
  •  Afrikaans
  •  Bahasa Indonesia
  •  Bahasa Melayu
  •  Česky
  •  Deutsch
  •  English
  •  Español
  •  Français
  •  Italiano
  •  Magyar
  •  Nederlands
  •  Polski
  •  Português
  •  Română
  •  Shqip
  •  Tiếng Việt
  •  Türkçe
  •  Ελληνικά
  •  Български
  •  русский
  •  Српски / Srpski
  •  Українська
  •  עברית
  •  العربية
  •  فارسی
  •  हिन्दी
  •  ไทย
  •  中文
  •  日本語
  •  粵語
  •  한국어
Etsi
Skip to the end of the images gallery
Paul vanki
Skip to the beginning of the images gallery

Paul vanki

Tuote
ID ID
prcas4054
Taiteilija
Providence Collection
Kuvan tiedot
More Information
Secondary Keywordsaresto   bilanggo   kasaysayan   paglalakbay   pahimakas   Paul   Roma   Uusi uusi uusi  
Mga Banal na KasulatanGawa 21   Gawa 22  

Acts 21

1 At nangyari, na sa aming paglalayag, nang kami ay napahiwalay sa kanila, kami ay tuluy-tuloy na nakarating sa Cos. At kinabukasan kami ay tumuloy sa Rodas at buhat doon, kami ay tumuloy sa Patara.2 At nang natagpuan namin ang isang barko na naglalayag patungong Fenicia, kami ay sumakay at naglayag.3 Ngunit nang natanaw namin ang Cyprus at nilagpasan ito sa bandang kaliwa, kami ay patuloy na naglayag patungong Siria at dumaong sa Tiro sapagkat doon nagbaba ng lulan ang barko.4 At nang natagpuan namin ang mga alagad, kami ay nanatili roon ng pitong araw. Sinabi nila kay Pablo sa pamamagitan ng Espiritu na huwag siyang umahon patungo sa Jerusalem.5 Ngunit pagkalipas ng mga araw na iyon, kami ay umalis at patuloy na naglakbay. Silang lahat, kasama ang kanilang mga asawa at mga anak, ang naghatid sa amin hanggang sa labas ng lungsod at kami ay lumuhod sa baybayin at nanalangin.6 At nang kami ay nakapagpaalam sa isa't isa, kami ay sumakay sa barko at sila ay umuwi sa kanilang mga tahanan.7 Nang kami ay natapos nang maglayag mula sa Tiro, kami ay dumating sa Tolemais, at pagkatapos naming batiin ang mga kapatid, kami ay nanatili kasama nila ng isang araw.8 Ngunit kinabukasan, pagkaalis ng mga kasama ni Pablo, kami ay dumating sa Cesarea at pumasok sa bahay ni Felipe na ebanghelista, na isa sa pito, at kami ay nanatiling kasama niya.9 Ang lalaking ito ay may apat na anak na dalagang birhen na nangangaral.10 Sa aming pananatili roon ng maraming araw, may isang propeta na ang pangalan ay Agabo ang dumating mula sa Judea.11 Lumapit siya sa amin, kinuha niya ang pamigkis ni Pablo, ginapos niya ang kaniyang sariling mga kamay at mga paa at sinabi, “Ganito ang sinasabi ng Banal na Espiritu, ‘Sa ganitong paraan gagapusin ng mga Judio sa Jerusalem ang lalaking may-ari ng pamigkis na ito at siya ay ibibigay nila sa mga kamay ng mga Gentil.’ ”12 Kaya nang narinig namin ang mga bagay na ito, kami at gayundin ang mga tagaroon ay nagsumamo sa kaniya na huwag na siyang umahon sa Jerusalem.13 Ngunit sumagot si Pablo, “Ano ang ginagawa ninyong pananangis at pagdudurog sa aking puso? Ako ay hindi lamang nakahanda upang magapos kundi maging ang mamatay sa Jerusalem alang-alang sa pangalan ng Panginoong Jesus.”14 Ngunit dahil siya ay hindi namin mahikayat, tumigil kami at sinabi, “Mangyari ang kalooban ng Panginoon.”15 Pagkatapos ng mga araw na iyon, binitbit namin ang aming mga dalahin at umahon patungong Jerusalem.16 At sumama rin sa amin ang ilan sa mga alagad mula sa Cesarea at isinama nila si Minason, na taga-Cyprus na isa sa mga naunang alagad, na sa kaniya kami makikipanuluyan.17 At nang kami ay dumating sa Jerusalem, tinanggap kaming may kagalakan ng mga kapatid.18 At kinabukasan, si Pablo ay kasama naming pumunta kay Santiago at ang lahat ng matatanda ay naroon.19 Pagkatapos niya silang batiin, isinalaysay niyang isa-isa ang mga bagay na ginawa ng Diyos sa mga Gentil sa pamamagitan ng kaniyang paglilingkod.20 At sila na nakarinig nito ay patuloy na niluluwalhati ang Panginoon at kanilang sinabi sa kaniya, “Kapatid, nakikita mo kung ilang libo sa mga Judio ang sumampalataya at lahat sila ay masigasig para sa Kautusan.21 Ibinalita sa kanila ang patungkol sa iyo, na itinuturo mo ang pagtalikod kay Moises sa lahat ng mga Judio na nasa mga bansa, at sinasabi mo na huwag nang tuliin ang kanilang mga anak, ni lumakad ayon sa mga kaugalian.22 Ano kung gayon ang gagawin? Walang alinlangang napakarami ang kailangang magtipon sapagkat mababalitaan nilang dumating ka.23 Kaya gawin mo itong sinasabi namin sa iyo. Mayroon kaming apat na lalaking may sinumpaang panata sa kanilang sarili.24 Isama mo sila at dalisayin mo ang iyong sarili kasama nila. Bayaran mo ang kanilang magugugol upang kanilang maipaahit ang kanilang mga ulo at malaman ng lahat na hindi totoo ang mga bagay na nabalitaan na nila patungkol sa iyo, sa halip ay lumalakad ka nang maayos at iningatan mo mismo ang Kautusan.25 Ngunit patungkol sa mga Gentil na sumampalataya na, sinulatan namin sila na ipinasiyang huwag nilang gawin ang gayong bagay maliban na sila ay lumayo sa mga bagay na inihandog sa diyos-diyosan, sa dugo, sa binigti at sa pakikiapid.”26 Nang isinama ni Pablo ang mga lalaking iyon, sa sumunod na araw na dinalisay siya na kasama sila, siya ay pumasok sa templo na ipinapahayag ang kaganapan ng mga araw ng pagdadalisay hanggang sa maihandog ang hain para sa bawat isa sa kanila.27 Nang halos matapos na ang pitong araw, pagkakita ng mga Judio na nanggaling sa Asya kay Pablo sa loob ng templo, ginulo nila ang napakaraming tao at siya ay dinakip,28 at kanilang isinisigaw, “Mga lalaking taga-Israel, tumulong kayo! Ito ang lalaking nagtuturo sa mga tao, kahit saan, laban sa mga tao at sa Kautusan at sa dakong ito. Bukod pa rito, nagdala rin siya ng mga Griyego sa templo at dinungisan na ang banal na dakong ito.”29 Ito ay sapagkat nakita na nila noon si Trofimo na taga-Efeso na kasama niya sa lungsod, at inisip nilang siya ay ipinasok ni Pablo sa templo.30 At ang buong lungsod ay nagulo at nangyari, na ang mga tao ay sama-samang tumakbo at kanilang dinakip si Pablo at kinaladkad palabas sa templo. At ang mga pintuan ay isinara kaagad.31 At sa kanilang pagnanais na siya ay patayin, dumating ang balita sa pinunong kapitan ng batalyon na ang buong Jerusalem ay nagkagulo na.32 At siya ay nagsama kaagad ng mga kawal at ng mga senturion at sumugod sa kinaroroonan nila. At nang nakita nila ang pinunong kapitan at ang mga kawal, sila ay tumigil sa paghahampas kay Pablo.33 Kaya paglapit ng pinunong kapitan, siya ay hinuli at ipinag-utos na gapusin siya ng dalawang tanikala. At siya ay nagtanong kung sino siya at kung ano ang kaniyang ginawa.34 Ngunit ang ilan sa napakaraming tao ay sumigaw ng isang bagay at ang ilan ay iba naman. At dahil hindi niya nalaman ang katotohanan dahil sa kaguluhan, iniutos niya na dalhin si Pablo sa himpilan.35 At nang siya ay dumating sa hagdanan, nangyari na siya ay binuhat ng mga kawal dahil sa karahasan ng napakaraming tao36 sapagkat ang napakaraming tao ay sumunod at sumisigaw, “Alisin mo siya!”37 Habang si Pablo ay ipinapasok sa himpilan, sinabi niya sa pinunong kapitan, “Pahihintulutan mo ba akong magsabi ng anuman sa iyo?” At sinabi niya, “Marunong ka bang magsalita ng Griyego?38 Hindi ba ikaw ang taga-Egipto na nang nakaraang araw ay nang-udyok ng kaguluhan at nagdala sa ilang ng apat na libong kalalakihan na mga mamamatay-tao?”39 Ngunit sinabi ni Pablo, “Ako ay isang tunay na Judio na taga-Tarso ng Cilicia, isang mamamayan ng hindi kilalang hamak na lungsod. Isinasamo ko sa iyo na pahintulutan mo akong magsalita sa mga tao.”40 Nang siya ay kaniyang pinahintulutan, si Pablo na nakatayo na sa hagdanan ay naghudyat ng kamay sa napakaraming tao. At nang nagkaroon ng lubos na katahimikan, siya ay nagsalita sa kanila sa wikang Hebreo, na sinasabi,

Acts 22

1 “Mga ginoo, mga kapatid at mga ama, pakinggan ninyo ang pagtatanggol na ginagawa ko sa inyo ngayon.”2 At nang narinig nilang siya ay nagsasalita sa kanila sa wikang Hebreo, sila ay lalong tumahik. Sinabi niya,3 “Ako nga ay isang lalaking Judio na ipinanganak sa Tarso ng Cilicia ngunit pinalaki sa lungsod na ito sa paanan ni Gamaliel, na naturuan ayon sa mahigpit na kautusan ng ating mga ninuno, at may kasigasigan sa Diyos katulad din ninyong lahat ngayon.4 At pinagmalupitan ko ang Daan na ito hanggang sa kamatayan, sa pamamagitan ng panggagapos at pagdadala ng mga lalaki at ng mga babae sa mga bilangguan5 katulad din ng pagpapatotoo sa akin ng pinakapunong saserdote at ng lahat ng matatanda kung kanino ko tinanggap ang mga sulat patungkol sa mga kapatid. Ako ay naglakbay patungong Damasco upang ang mga iginapos doon ay maidala ko sa Jerusalem upang sila ay maparusahan.6 “Subalit nangyari, na habang ako ay naglalakbay at papalapit sa Damasco nang magtatanghaling-tapat, biglang nagningning sa paligid ko ang isang napakaningning na liwanag na nagmula sa langit.7 Bumagsak ako sa lupa at narinig ko ang tinig na nagsasabi sa akin, ‘Saulo, Saulo, bakit mo ako pinagmamalupitan?’8 At ako ay sumagot, ‘Sino ka, Panginoon?’ At sinabi niya sa akin, ‘Ako ay si Jesus na taga-Nazaret na iyong pinagmamalupitan.’9 “At nakita nga ng mga kasama ko ang liwanag at sila ay natakot ngunit hindi nila narinig ang tinig niyaong nagsasalita sa akin.10 Kaya sinabi ko, ‘Ano ang dapat kong gawin, Panginoon?’ At sinabi ng Panginoon sa akin, ‘Tumindig at pumunta ka sa Damasco at doon ay sasabihin sa iyo ang patungkol sa lahat ng mga bagay na itinalagang gawin mo.’11 Nang hindi ako makakita dahil sa kaningningan ng liwanag na iyon, habang ako ay inaakay ng mga kasama ko, ako ay nakarating sa Damasco.12 “Ngunit si Ananias, na isang taong tapat ayon sa Kautusan, na mayroong mabuting patotoo sa lahat ng mga Judiong naninirahan doon,13 ay lumapit at tumayo sa tabi ko at kaniyang sinabi sa akin, ‘Kapatid na Saulo, tanggapin mo ang iyong paningin.’ At ako ay tumingin sa kaniya sa oras ding iyon.14 At sinabi niya, ‘Ang Diyos ng ating mga ninuno ang nagtalaga sa iyo nang una pa, upang malaman mo ang kaniyang kalooban at upang makita mo yaong Matuwid, at upang marinig mo ang tinig mula sa kaniyang bibig15 sapagkat ikaw ay magiging saksi niya sa lahat ng mga tao patungkol sa mga bagay na iyong nakita at narinig.16 At ngayon, bakit ka pa naghihintay? Yamang tumawag ka sa pangalan ng Panginoon, tumindig at magpabawtismo ka at hugasan ang iyong mga kasalanan.’17 “At nangyari nang ako ay bumalik sa Jerusalem, habang ako ay nanalangin sa templo, ako ay nagkaroon ng pangitain18 at nakita ko ang Panginoon na nagsasabi sa akin, ‘Magmadali ka at umalis ka kaagad sa Jerusalem sapagkat hindi nila tatanggapin ang iyong patotoo patungkol sa akin.’19 Ngunit sinabi ko, ‘Panginoon, nalalaman nila na sa bawat sinagoga ay aking ibinibilanggo at hinahampas ang mga sumampalataya sa iyo.20 At nang nabuhos ang dugo ni Esteban na iyong saksi, ako mismo ang nakatayo sa malapit at sumasang-ayon sa pagpatay sa kaniya at ako ang nagbabantay sa mga damit ng mga pumapatay sa kaniya.’21 At sinabi niya sa akin, ‘Humayo ka sapagkat isusugo kita sa mga Gentil na nasa malayo.’ ”22 At siya ay pinakinggan nila hanggang sa mga pananalitang ito at pagkatapos sila ay sumigaw na sinasabi, “Alisin mula sa lupa ang ganiyang tao sapagkat hindi siya karapat-dapat mabuhay.”23 At habang sila ay sumisigaw at ihinahagis ang kanilang mga damit at nagsasabog ng mga alabok sa hangin,24 ang pinunong kapitan ay nag-utos na ipasok si Pablo sa himpilan at sinabing siya ay siyasatin sa pamamagitan ng paghagupit upang malaman niya kung ano ang dahilan na sumisigaw nang ganito ang mga tao laban sa kaniya.25 Ngunit nang siya ay naigapos nila ng panaling balat, sinabi ni Pablo sa senturion na nakatayo sa malapit, “Ipinapahintulot ba sa inyo na hagupitin ang isang taong mamamayan ng Roma kahit hindi nahatulan?”26 Nang ito ay narinig ng senturion, siya ay pumunta at nagbalita sa pinunong kapitan na sinasabi, “Mag-ingat ka sa binabalak mong gawin sapagkat ang taong ito ay mamamayan ng Roma.”27 Kaya lumapit ang pinunong kapitan at sinabi sa kaniya, “Sabihin mo sa akin, ikaw ba ay mamamayan ng Roma?” Sinabi niya, “Oo.”28 Sumagot din ang pinunong kapitan, “Nakamtan ko ang pagkamamamayang ito sa malaking halaga.” At sinabi ni Pablo, “Ngunit ako naman ay ipinanganak na gayon.”29 Kaya lumayo kaagad sa kaniya ang mga nagbabalak na magsiyasat sa kaniya at ang pinunong kapitan ay natakot din nang nalaman niya na si Pablo ay mamamayan ng Roma, at dahil siya ang nagpagapos sa kaniya.30 At kinabukasan, sa pagnanais niyang malaman ang katotohanan kung bakit isinakdal si Pablo ng mga Judio, siya ay kaniyang pinakawalan sa pagkagapos at ipinag-utos na magtipon ang mga punong saserdote at ang kanilang buong Sanhedrin. At nang naipababa na si Pablo, siya ay kaniyang iniharap sa kanila.

Tiedoston enimmäiskoko
Lapad
3330
Taas
4000
₱240.05
Special Galleries
Good Soil Print Gallery
GoodSalt Gallery
Nature Photography Gallery
Steve Creitz Select
Seasonal
Harry Anderson Select

Tarjoamme merkittäviä volyymilisensointialennuksia.
Onko kysyttävää? Soita 800-805-8001 or +1 208-455-5659 ja pyydä tarjous. Työskentelemme budjettisi mukaan.

Post To Feed Pin It
Valolaatikko
Aiheeseen liittyvät kuvat
  1. Paul uusi uskovainen
  2. Uusi taivas, uusi maa
  3. Barnabas ja Paavali rohkaisevat uusia kristittyjä
  4. Paul Roomassa
  5. Salomo omistaa temppelin
  6. Aloita Nooan uusi maailma
  7. Aabraham meni uuteen maahan
  8. Barnabas auttaa uusia johtajia
  • Lisenssitiedot
  • Privacy
  • Ota yhteyttä
  • Artistit
1 800 805.8001
© 2024       Lahat ng mga larawan at media na naka-copyright ng GoodSalt, Inc. at/o mga nag-ambag nito. Lahat ng Karapatan ay Nakalaan.
  Tagalog
  •  Afrikaans
  •  Bahasa Indonesia
  •  Bahasa Melayu
  •  Česky
  •  Deutsch
  •  English
  •  Español
  •  Français
  •  Italiano
  •  Magyar
  •  Nederlands
  •  Polski
  •  Português
  •  Română
  •  Shqip
  •  Tiếng Việt
  •  Türkçe
  •  Ελληνικά
  •  Български
  •  русский
  •  Српски / Srpski
  •  Українська
  •  עברית
  •  العربية
  •  فارسی
  •  हिन्दी
  •  ไทย
  •  中文
  •  日本語
  •  粵語
  •  한국어