28 Sumagot din ang pinunong kapitan, “Nakamtan ko ang pagkamamamayang ito sa malaking halaga.” At sinabi ni Pablo, “Ngunit ako naman ay ipinanganak na gayon.”29 Kaya lumayo kaagad sa kaniya ang mga nagbabalak na magsiyasat sa kaniya at ang pinunong kapitan ay natakot din nang nalaman niya na si Pablo ay mamamayan ng Roma, at dahil siya ang nagpagapos sa kaniya.30 At kinabukasan, sa pagnanais niyang malaman ang katotohanan kung bakit isinakdal si Pablo ng mga Judio, siya ay kaniyang pinakawalan sa pagkagapos at ipinag-utos na magtipon ang mga punong saserdote at ang kanilang buong Sanhedrin. At nang naipababa na si Pablo, siya ay kaniyang iniharap sa kanila.