25 At sa hatinggabi, sina Pablo at Silas ay nananalangin at umaawit ng mga himno para sa Diyos at ang mga bilanggo ay nakikinig sa kanila.26 At biglang nagkaroon ng malakas na lindol, kung kaya nayanig ang mga saligan ng bilangguan, at ang lahat ng mga pinto ay kaagad nabuksan, at ang mga gapos ng lahat ay nakalas.27 At nang nagising ang bantay ng bilangguan mula sa pagkakatulog at nakita niyang bukas na ang mga pinto ng kulungan, binunot niya ang kaniyang tabak at tinangkang patayin ang sarili sa pag-aakalang nakatakas na ang mga bilanggo.28 Ngunit si Pablo ay sumigaw nang may malakas na tinig na sinasabi, “Huwag mong gawan ng masama ang iyong sarili sapagkat naririto kaming lahat.”29 Kaya humingi siya ng mga ilaw, at siya ay nagmadaling pumasok at nanginginig na nagpatirapa sa harapan nina Pablo at Silas.30 At pagkatapos niya silang dalhin sa labas, sinabi niya, “Mga ginoo, ano ang kinakailangan kong gawin upang ako ay maligtas?”31 Kaya sinabi nila, “Sumampalataya ka sa Panginoong Jesu-Cristo at maliligtas ka, ikaw at ang iyong sambahayan.”32 At ipinangaral nila sa kaniya ang salita ng Panginoon at sa kanilang lahat na nasa kaniyang bahay.33 At sa oras din ng gabing iyon, sila ay kaniyang kinuha at hinugasan niya ang kanilang mga sugat. At siya ay kaagad na binawtismuhan gayundin ang kaniyang buong sambahayan.34 Pagkatapos, sila ay kaniyang isinama sa kaniyang bahay, sila ay hinainan niya ng pagkain. At siya ay nagalak kasama ang kaniyang buong sambahayan na sumampalataya na sa Diyos.