17 Kaya umalis si Ananias at pumasok siya sa bahay. At pagkapatong niya ng kaniyang mga kamay kay Saulo ay kaniyang sinabi, “Kapatid na Saulo, isinugo ako ng Panginoong Jesus na siyang nagpakita sa iyo sa daang iyong pinanggalingan upang matanggap mo ang iyong paningin at mapuspos ng Banal na Espiritu.”18 At kaagad nalaglag mula sa kaniyang mga mata ang parang mga kaliskis at kaagad niyang tinanggap ang kaniyang mga paningin. At nang siya ay tumayo, siya ay binawtismuhan.19 At nang siya ay nakakain, siya ay lumakas. At si Saulo ay naging kasama ng mga alagad sa Damasco ng ilang araw.